EDITORYAL â Overpriced na PPEs
EDITORYAL – Overpriced na PPEs
(Pang-masa) - September 17, 2020 - 12:00am

MARAMING kompanya sa Pilipinas na guma­gawa ng personal protective equipment (PPE) pero ang nakapagtataka ay kung bakit kailangan pang umangkat sa mga kompanya sa China. Bakit kaila­ngan pang lumayo e narito lamang sa bansa ang mga mahuhusay na gumagawa ng PPE. Lubhang nakapagtataka na ang nangyayari na maraming kompanya sa China ang nakakontrata sa Pilipinas para gumawa ng PPE. Ayon sa report, pitong Chinese companies ang nakakontrata para magsuplay ng PPE at nagsimula ito noon pang Abril.

Ang nakapanlulumo, overpriced ang mga PPE. Ayon kay Sen. Risa Hontiveros, ang per unit ng PPE ay overpriced ng P200 kaya sa kabuuan, P1 bilyon ang lugi ng pamahalaan. Ayon sa senadora, ang halaga ng PPE, batay sa estimate ng Philippine General Hospital ay nagkakahalaga ng P1,200 hanggang P1,500 subalit sa ginawang procurement ng Department of Budget ay nagkakahalaga ito ng P1,700 hanggang P2,000. “Isang bilyon ang nawala sa kaban ng bayan,” sabi ni Honteveros. Ang isang bilyong piso ayon sa kanya ay maraming mabibiling PPEs para sa mga health workers. Marami sa mga health workers ang nasa panganib ang buhay dahil salat sila sa proteksiyon laban sa virus. Ang isang bilyon umano ay maaaring i-allocate para madagdagan ang sahod ng mga health workers.

Lubhang nakapagtataka na maraming kompanya sa Pilipinas na gumagawa ng PPE pero mas una pang pinagkalooban ng kontrata ang mga sumusunod na Chinese companies: Xuzhou Const. Machinery Group, Wen Hua Dev’t Industrial Co., Ltd., Chushen Company Ltd., Pacific Field (Hong Kong) Ltd., at Shanghai Puheng Medical Equipment Co. Ltd.

Sinabi kamakailan ng Department of Health na kapag nalagdaan ni President Duterte ang Bayanihan Act 2, magiging prayoridad ang mga local companies­ para gumawa ng PPEs. Bakit ang mga Chinese companies pa rin na ubod ng mahal ang gumagawa at umano’y walang kalidad ang produkto. May mga health worker­s na nagsasabi na madaling masira ang supply nilang PPE na made in China.

Maraming nawalan ng trabaho sa bansa dahil sa pandemia. At kung ang mga kompanyang Pilipino ang kinontrata ng DBM at DOH, para sa PPE, marami ang magkakaroon ng trabaho. Sana nag-isip muna ang mga nasa posisyon bago kinontrata ang mga Chinese companies. Binuhay nila ang dayuhang kompanya kaysa mga Pilipinong kompanya. Bakit ganito ang sistema?

PPE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with