Tama ka Chief! I-city jail mga tiwaling pulis!
BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo (Pang-masa) - September 17, 2020 - 12:00am

ANIMNAPUNG araw lang uupo bilang Philippine National Police Chief si Gen. Camilo Cascolan.

Sa loob ng 60 araw, 45 araw doon, importante. Depende kung maisasakatuparan niya ang kanyang bagong habit form.

 Kung maa-acquire agad ng kanyang mga pulis na itratong kriminal ang mga nahuhuling tiwaling pulis. 

 Para sa akin, maganda ang mindset at pananaw ni General Cascolan.

 Sayang nga  lamang at dalawang buwan lang siyang uupo bilang pinakamataas na opisyal ng pambansang kapulisan.

 Kay General Cascolan, iisa lang ang kanyang pamantayan. 

 Kapag ang isang pulis ay gumawa ng isang krimen, dapat ituring na kriminal at isama sa selda ng mga kriminal.

Tama naman, walang pulis pulis! 

 Ibig din yatang sabihin ni General Cascolan, kulang sa methods of investigation ang ilang pulis. Kailangan matuto muli ng Investigation 101.

 Kaya siguro minsan ang mga kaso laglag sa korte. Kundi mali-mali ay kulang-kulang sa imbestigasyon. 

 At ang pinaka-matindi pa rito, ‘yung tinatawag na markmanship. Poor daw. 

 Tila ba ‘di raw asintado at ‘di marunong humawak ng baril ang ilan sa ating mga pulis. 

Napakaganda ng adhikain, bibihira ang kayang makakita at tumanggap ng ganitong kahinaan.

Sayang nga lamang at sa maikling panahon ito masisimulan.

Sabi nga sa isang libro na nabasa ko noon, ang Psycho-Cybernetics o Science of the Mind… it takes 45 days or more to change and acquire a new habit.

Good luck General!

 

PNP
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with