Ang babae sa aparador (174)
Ronnie M. Halos (Pang-masa) - September 17, 2020 - 12:00am

NANG maghiwalay ang kanilang mga labi ay hinabol nila ang paghinga.

Walang kapantay na kaligayahan ang nadama nilang pareho.

Saka ay biglang may naalala si Ziarah.

“Kuya wala pa tayong almusal! Anong oras na?’’

Tiningnan ni Jonas ang kanyang relo.

‘‘Six thirty!’’

‘‘Naku nagugutom ka na Kuya?’’

‘‘Hindi! Nabusog na ako sa malalambot mong labi, Ziarah!’’

‘‘Si Kuya puro biro!’’

‘‘Talaga naman. Binusog mo na ako ng pagmamahal. Kahit na hindi na ako mag-breakfast e okey lang sa akin.’’

“Talaga Kuya? Paborito mo pa naman ang iluluto ko ngayon.’’

“Siyanga? Ano ‘yun?’’

“Corned beef, fried egg at sinangag na kanin na may crispy bawang sa ibabaw. At saka umuusok na kape.’’

“Sige, sige magluto ka na. Napakasarap pala ng breakfast!’’

Nagtawa si Ziarah.

‘‘Sige, maupo ka muna at magluluto ako. Sandali lang ito.’’

Tinungo ni Ziarah ang kitchen at inihanda ang mga lulutuin.

Nang makaluto, naghain na siya. Nagtimpla nang masarap na kape. At saka tinawag si Jonas.

“Luto na po Kuya. Puwede ka nang kumain.’’

“Aba siyempre sabay tayong kakain.’’

Magkatabing kumain ang dalawa.

Sinubuan pa ni Jonas si Ziarah.

Ginantihan ni Ziarah ang subo. Sinubuan din niya si Jonas.

Masayang-masaya sila.

Hindi matapus-tapos ang pag-uusap. Nadako sa kung saan-saan ang ka­nilang pagkukuwen­tuhan.

Nang matapos sa pagkain, hinugasan ni Ziarah ang mga plato. Pero nilapitan siya ni Jonas.

‘‘Ako na ang mag­huhugas ng mga ‘yan, Love. Mula ngayon, tutulungan na kita. Lahat ay pagtutulungan natin mula ngayon.’’

Masayang-masaya si Ziarah. Gusto niyang umiyak – sa kali­gayahan.

(Itutuloy)

ANG BABAE SA APARADOR
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with