Guro sa Turkey, nagbahay-bahay para sa mga estudyanteng hindi kayang mag-online class
MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - September 17, 2020 - 12:00am

INUULAN ng papuri ang isang guro sa Turkey dahil sa gina­gawa niyang sakripisyo para sa kanyang mga estudyante.

Nalaman kasi ng gurong taga-Van, Turkey na si Gamze Arslan na hindi makakapag-online class ang kanyang mga estud­yante dahil sa kawalan ng internet connection kaya minabuti niyang puntahan ang mga ito sa kani-kanilang mga bahay.

Animo’y private tutor si Arslan na isa-isang tinuturuan ang kanyang mga estudyante sa kanilang mga tahanan. Walang nila­laktawang araw ang guro, na bitbit-bitbit pa ang kanyang whiteboard sa pagpunta niya sa bahay ng kanyang mga estudyante.

Hindi rin niya nakakalimutan ang social distancing at ang pagtuturo ng tamang hygiene sa mga bata na importante nga­yong panahon ng pandemya.

Pangunahing problema ang kawalan ng internet connection para sa marami sa mga mag-aaral sa Turkey, kung saan ipinapatupad ang distance learning. Hanggang bukas (Setyembre 18) ang distance learning. Inaasahan sa susunod na buwan ang unti-unting pagpasok ng mga estudyante sa paaralan.

 

ONLINE CLASS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with