^

Punto Mo

Binagong distansya sa public transpo, baka maghatid ng problema

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Marami ang umaapela sa Inter-Agency Task Force  (IATF)  for Emerging Infectious Diseases na ipatigil ang pinaiiral na panuntunan ng DOTr sa niluwagang physical distancing sa mga pampublikong sasakyan.

Nauna nang nagpahayag ng agam-agam ang mga Metro Manila mayor at mga health  expert ukol dito sa pangambang bigla na  naman ang maging pagtaas ng kaso ng COVID.

Sigurado, ayon sa mga health expert na dahil sa ganitong panuntunan na mistulang pag­labag sa ipinaiiral na health protocols eh biglang umalagwa ang kaso ng COVID na lalong magpapahirap lalo na sa pamahalaan sa isasagawang pagtugon.

Aba’y oo naman, baka kamukat-mukat eh dahil sa pag-alagwa ng bilang ng may COVID eh bumalik na naman tayo sa mga lockdown.

Lockdown na wala nang maaasahang ayuda.

Kilala rin natin ang Pinoy, na kung makakita ng ganitong kaluwagan, agad iisipin na normal na ang lahat at mawawala , magiging relax at makakalimutan na ang kanilang pag-iingat.

Ginawa naman kasi ito ng DOTr para marami na ang makabalik sa trabaho at tuluyan ng magbukas ang ekonomiya.

Pero ang dapat na maunawaan at isipin ang COVID ay hindi pa nawawala, nandiyan pa rin kaya ang pagluluwag sa social distancing lalu na sa public transpo ay baka makapagpalala pa sa kasalukuyang sitwasyon.

Eh bakit hindi na lang kasi dagdagan pa ang mga bibiyaheng sasakyan na magsasakay sa dating kapasidad o sa sa distansyang isang metro.

Kahit gaano ang suot na protective gear ng mga commuters kung magdidikit dikit din, baka nga imbes na humupa ang kaso ng tinatamaan ng COVID ay mas lalo pang lumala.

Sa pinakahuling ulat , pinag-aaralan ng IATF  ang pananaw dito ng mga eksperto at pwede pang mabago.

Ito ang ating aantabayanan.

vuukle comment

IATF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with