^

Punto Mo

100-anyos na lolo, nag-scuba diving para sa world record

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG lolo sa Illinois na nag-aasam ng pagkilala mula sa Guinness World Records bilang pinakamatandang scuba diver kaya naman sumisid siya sa ilalim ng isang lawa upang ipagdiwang ang kanyang ika-100 kaarawan.

Suot ang scuba diving gear ay sinisid ni Bill Lambert ang kailaliman ng Pearl Lake ng 27 minuto, dalawang araw matapos sumapit ang kanyang ika-100 kaa-rawan.

Ang kasalukuyang may hawak ng record ngayon bilang pinakamatandang scuba diver ay ang Briton na si Wallace Raymond Woolley, na nag-scuba diving noong 2019 sa edad na 96 anyos at 3 araw.

Ayon kay Lambert, matagal na raw niyang nahigitan ang record na ito nang minsang nag-scuba diving siya sa Mexico noong siya’y 98 anyos pa lamang, ngunit hindi naman ito naisumite upang opisyal na kilalanin ng Guinness.

Umaasa si Lambert na mahihigitan pa niya ang bagong record sa pamamagitan ng pagsisid ulit kapag siya ay 101 anyos na sa susunod na taon.

 

vuukle comment

GUINNESS WORLD RECORDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with