^

Punto Mo

General Cascolan, mag-iiwan ng legacy sa PNP!

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

HALOS dalawang buwan na lang si PNP chief Gen. Camilo Pancratius Cascolan sa puwesto kaya masasabi kong nais niyang “to hit the ground running.” Magkaroon ng command confe-rence sa Camp Crame ngayon kung saan ilulunsad ni Cascolan ang programa n’yang “Food Bank” at Barangay Anti-Covid Defense o BACoD.

Ang dalawang proyekto na ito ni Cascolan ay inaasahang magtutulak ng kampanya laban sa kriminalidad, droga at tutulong din sa programa ni President Digong kontra COVID-19. Kapag naging matagumpay ang mga programang ito, magiging susi ito para makapag-iwan nang matatawag kong legacy sa PNP si Cascolan. Araguuyyyy! Get’s n’yo mga kosa? Hak hak hak!

Maging si Cascolan ay umaamin na maikli lang ang kanyang termino subalit inaasahan niyang magra-rally ang lahat ng opisyales ng PNP sa liderato niya.

Sa ilalim ng Food Bank, nais ni Cascolan na ang Camp Crame at mga Regional o Provincial Offices ng PNP ay magiging reservoir ng food donations at staple supplies na ma-solicit sa kanilang mga stakeholders. Siyempre, kasama sa programang ito ang partnership, linkages at strong collaborations ng LGUs, NGOs, civic organizations, foundations, companies at iba’t iba pang grupo.

Kapag sa panahon ng kagipitan, tulad ngayong pandemic, ipapamahagi ang mga nakaimbak na food supplies para tulungan ang gobyerno na isalba sa gutom ang mga Pinoy. Hak hak hak! Kaya ‘wag kayong magtaka kapag may warehouses sa mga PRO at PPO nang food supplies at iba pang pagkain ha mga kosa?

Dahil sa pandemic, halos umabot sa 4.2 milyon na Pinoy ang nawalan ng trabaho at naka-lockdown sa kani-kanilang bahay kaya’t masabi nating gutom sila. Hindi naman maitago mga kosa na karamihang dahilan ng mga naarestong magnanakaw sa panahon ng pandemya ay dahil gutom na ang pamilya nila. Kapag nanlaban sila at napatay, hindi na ito kaso ng DSWD, di ba mga kosa?

Kung karamihan sa mga Pinoy ay mahirap, kailangang busugin sila para mailayo sila sa krimen at droga. Dito papasok ang Food Bank. Hindi naman mahihirapan ang mga pulis natin sa pag-distribute ng mga pagkain dahil may kakayahan sila dito, di ba mga kosa? Subalit ginigiit ni Cascolan na dapat ang mag-donate ng food supplies at iba pang pagkain ay galing sa puso at walang pilitan. Araguuyyy! Hak hak hak! Hayan, dapat legal lahat ng kilos ha?

Ang layunin naman ng BACoD ay tulungan ang mga ahensiya ng gobyerno sa poverty alleviation, at economic recovery programs para ibaba ang epekto ng COVID sa komunidad kung saan laganap ang virus. Sa ilalim ng PNP Patrulya ng Bayan-Barangay Enforcement Teams i-cluster ang lima o anim na barangays para tugunan ang pagsagawa ng mga programa na makapagbawas ng COVID cases tulad ng prevention, detection, treatment at reintegration.

Inihambing ni Cascolan ang kanyang natitirang araw sa PNP sa finals sa laban ng isang basketball game kung saan ang bawat minuto ay importante at bawat tira ay winning shot. “Let us always aim for the 3-points and I’m sure that in these two months, we will be able to deliver the best results. Let us do all this together,” ani Cascolan. Ayos ba, kosang Jun Laurel Sir? Ikot pa more! Abangan!

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with