^

Turista sa Italy, pinagmulta ng $1,200 matapos kumuha ng 2 kilong white sand sa beach

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - September 11, 2020 - 12:00am

ISANG turista mula France ang pinagmulta ng $1,200 (katumbas ng P59,000) matapos nitong tangkain magpuslit ng dalawang kilong white sand mula sa kilalang beach sa Sardinia, Italy.

Ayon sa Forest Rangers sa Sardinia, nahuli nila ang turista sa Cagliari Elmas Airport na may dalang bote na naglalaman ng dalawang kilong puting buhangin na galing mula sa beach.

Dahil sa dami ng nangunguha ng puting buhangin ay ipinagbawal na ito simula noong 2017 at nahaharap ang sinumang kukuha ng white sand mula sa Sardinia’s beaches sa multang naglalaro mula $600 (P30,000) hanggang $3,550 (P173,000) depende sa dami ng buhangin at kung saan ito kinuha

Kinailangang ipagbawal ang pagkuha ng puting buhangin sa Sardinia dahil talamak ang nagiging bentahan nito sa Europe kung saan maraming website ang nag-aalok nito  bilang souvenir items.

BEACH
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with