^

Punto Mo

Ano ang gagawin kapag ikaw ay inihabla sa small claims court

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Inihabla po ako sa small claims dahil sa sinasabing utang ko raw. Wala po akong pambayad ng abogado at hindi rin po ako mahusay sa English. Ano po ang gagawin ko? — Randy

Dear Randy,

Unang-una ay basahin mo muna ang kasong isinampa sa iyo upang maunawaan mo ito. Kailangan mong maintindihang mabuti ang reklamo sa iyo dahil kakailanganin mong magsumite ng sagot sa korte kung saan nakasaad ang iyong depensa at mga ebidensya. Kasama rin sa abiso na matatanggap mo sa korte ang petsa ng pagdinig ng iyong kaso.

Kakailanganin mong magsumite ng iyong sagot at dumalo sa pagdinig. May nakahanda ng form ang korte kung saan mo ilalagay ang iyong sagot sa isinampang kaso sa iyo at ang mga ebidensya mo.

Hindi problema ang kawalan ng abogado dahil hindi naman talaga pinahihintulutan ang serbisyo ng mga abogado sa mga small claims court. Hindi rin dapat mag-alala kung hindi ka bihasa sa English dahil sa lengguwaheng naiintindihan mo at ng naghabla sa iyo isasagawa ang pagdinig.

Ang pinakamahalaga ay makapaghanda ka ng isasagot mo sa mga paratang sa iyo at ang makadalo ka sa petsa ng pagdinig dahil kung hindi ay maaaring ipagkaloob ng hukom ang anumang hinihingi ng naghabla sa iyo, kabilang na ang gastos sa paghain ng kasong isinampa sa iyo. Kung ito ay mangyari, ang korte ay maaaring mag-utos na ang iyong pera o ari-arian ay kuhanin para bayaran ang nakasaad sa desisyon ng korte.

 

COURT

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with