^

Punto Mo

‘Fake’

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

MAY matandang kasabihan na magiging mabuting esposo ang lalaking mapagmahal sa sarili niyang magulang at maru-nong makisama sa magulang at kapatid ng nililigawan o nobya.

Mapagmahal sa ama at ina si Allen. Siya tuloy ang paborito ng kanyang mga magulang dahil ito lang daw ang malambing sa lahat ng kanilang anak. Noong cassette tapes era, mga 90’s iyon, may mga tindahan ng cassette tapes sa Recto at Quiapo na puwede kang magpa-rekord ng mga paborito mong kanta sa blank tape. Sa sobrang pagsipsip kay Mang Florence, ama ng kanyang nobyang si Clara, nagpa-rekord si Allen ng mga  paboritong kanta ng future father in law. Talagang nag-aksaya pa siya ng oras na saliksikin ang mga paboritong kanta ni Mang Florence. Tuwang-tuwa naman ang matanda. Marami pa itong panunuyo na ginawa sa buong pamilya ni Clara kaya kahit hindi kaguwapuhan kumpara sa mga artistahing mga karibal, siya ang nagwagi sa pag-ibig kay Clara. Silang dalawa ang nagkatuluyan.

May negosyo sa bandang Mindanao si Allen kaya doon sila nanirahan ni Clara. May isang panahon na kailangang makitira ang ina ni Clara na si Aling Dory sa kanila. Biyuda na kasi siya. Ang tatlong kapatid ni Clara ay pulos naninirahan sa Canada at Sweden. May sakit sa puso ang matanda kaya kahit may sariling bahay sa Caloocan, napagdesisyunan ni Clara na kuhanin ang ina at paupahan ang bahay nila.

Nang magsama sa iisang bubong ang magbiyenang Allen at Dory, dito na lumabas ang tunay na kulay ng manugang. Minsan, kapag may magandang palabas sa TV, tinatapos muna ni Aling Dory ang palabas at saka niya huhugasan ang mga pinggang nakatambak sa lababo. Habang nanonood siya ng TV, namalayan niyang hinuhugasan na ni Allen ang mga pinggan…nang nagdadabog!

Nilapitan ni Aling Dory ang manugang at malumanay na nagsalita. “Allen, sige na, magpahinga ka. Ako na ang maghuhugas. Pinanood ko lang kung paano lutuin ang arroz valenciana.

“Ako na ho, nasimulan ko na.”

Hindi pa nakakalayo si Aling Dory sa tabi ni Allen, bumulong ito. Pabulong na sadyang ipinarinig, Kung kailan ginagawa, saka kukuhanin!

Hindi na kumibo si Aling Dory dahil sa isip niya, siya na lang ang magpapasensiya dahil siya ang nakikitira. Simula nang madama ng matanda na may itinatago itong sama ng ugali, nagprisinta na siyang umambag sa mga gastusin sa bahay. Pero hindi pa rin iyon nagpabait sa manugang. Pasimple siyang binabara kapag wala sa paligid nila si Clara.

Minsang wala si Clara at mga bata, at sila lang magbiyenan ang natira sa bahay, nagpadeliber ng hamburger si Allen para lang sa kanya. Naroon siya sa salas at nanonood ng TV pero hindi man lang siya inalok habang kumakain. Doon na bumigay si Aling Dory. Ora mismo ay tumawag siya sa pamangkin niyang namamahala ng pagpapaupa sa kanyang bahay sa Caloocan.

“Dodong, bumili ka ng tiket sa eroplano para sa ating dalawa, sunduin mo ako dito sa lalong madaling panahon.”

Takang-taka si Clara nang dumating ang pinsang si Dodong.

Ang tanging naisagot ni Dodong nang usisain siya ni Clara tungkol sa biglang pag-alis ng ina: “Ewan ko ba diyan sa nanay mo at biglang nagpasundo. Pero umiiyak siya habang kinakausap ako sa telepono. ” 

Bago lumabas ng pinto si Aling Dory, hinawakan nito sa balikat ang manugang, nakaupo ito katabi ni Clara: “Sana pagdating ng araw, genuine na mabait at marunong gumalang ang inyong magiging manugang. Wish ko lang ay hindi kayo mapeke.” 

Ibinaling ni Clara ang tingin sa asawa. Ngayon alam na niya kung bakit biglaan ang pag-alis ng kanyang ina. Maraming ipapaliwanag sa kanya ang asawa.

              

vuukle comment

FAKE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with