^

Punto Mo

Idedemanda raw ang BITAG!

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

HALLELUJAH nagparamdam na! Ang hinahanap ng BITAG­ na magkakapatid na Wilfred “Willie”, Rodolfo “Butch” at Dr. Ana Rubi Talag ay lumutang na.

Matapos ang matagal-tagal na All Points Bulletin ng BITAG sa telebisyon, radyo, social media-Facebook, YouTube at dito sa aking kolum, sumagot na sila.

Matatandaan, ‘yung matandang umano’y dating aktres na inilapit sa amin ng isang caregiver na mahigit isang taon nang nasa St. Lukes Hospital Global City – si Mrs. Leticia Talag o Mommy Letty.

Hindi lang ang caregiver kundi mismong mga nurses na nakausap ng BITAG, kinumpirma ang kapabayaan ng mga anak ng ngayo’y namayapa na, na si Mommy Letty.

Matagal ang ginawa naming panawagan para lumutang itong mga anak na ‘to. Sa katunayan, matapos naming maipalabas sa BITAG ang sumbong, nagpalit pa ng fb Profile si Dr. Ana Rubie Talag-Barcelo.

Iyon pala, ang mga kaanak – pamangkin at pinsan – buwisit na sa mga magkakapatid na Talag dahil sa ginawa sa matanda. Nalaman namin ito sa pamamagitan ng isang chat group kung saan kasama mismo ang caregiver.

Ang caregiver na nagsumbong, ni hindi sinuwelduhan simula nang i-empleyo siya ng anak na si Butch noong March 4. Sumatotal, P60,000 ang kailangang bayaran sa caregiver sa loob ng anim na buwan.

Nang mga panahong iyon na buhay pa si Mommy Letty, ang mga nurses at doktor ng St. Lukes ay nag-aambagan para sa pagkain at personal na pangangailangan ng matanda at ng caregiver.

Nagpadala rin ang bitag at ang utol kong si Erwin ng diapers at sanitary pads para kay Mrs. Talag. May sponsor din na nagmagandang loob, nagbigay ng P10,000 para sa caregiver para siguradong maalagaan ang matanda.

 Ang siste ngayon, lumapit sa isang diyaryo ang kolokoy na magkakapatid na ‘to, sasampahan daw ng kaso ang St. Lukes Hospital, Global City at ang bitag.

Inaakusahan ang ospital na pinabayaan, inabandona at itinaboy na parang aso ang kanilang ina. Habang kami naman daw sa bitag ang nagbigay ng authorization para mailabas ng ospital si Mrs. Talag.

Mga bitag staff daw ang nag-“secretly escorted” sa matanda patungong Bahay Pag-ibig sa San Pablo City, Laguna.

Oy mga kolokoy, bago n’yo ako idemanda, bayaran n’yo muna ang ospital. Huwag n’yo akong hinahamon, because I’m ready for you!

 

vuukle comment

BITAG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with