Lalaki, balak panoorin ang isang pelikula ng 120 beses sa sinehan para sa world record
MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - September 4, 2020 - 12:00am

ISANG lalaki sa Manitoba, Canada ang balak panoorin ang isang pelikula sa sinehan ng 120 beses para sa world record.

Inumpisahan ng 47-anyos na si Craig Sharpe ang Kanyang world record attempt noong Aug. 26 at nitong Martes ay 15 beses na niyang napapanood ang pelikulang Tenet.

Ayon kay Sharpe ay kailangan niyang manatili sa loob ng sinehan hangga’t hindi lumalabas ang credits ng pelikula. Kailangan din na matapos ni Sharpe ang kanyang attempt bago lumabas ang pelikula sa Internet.

Tantya ni Sharpe ay aabutin siya ng 30 araw bago niya mapanood ng 120 beses ang Tenet. Wala naman daw siyang problema sa paulit-ulit na panonood ng nasabing pelikula dahil wala raw siyang masasabing pintas dito.

Inaasam ni Sharpe ang world record na hawak ngayon ng Australyanong Joanne Connor na pinanood ang pelikulang Bohemian Rhapsody ng 109 beses noong 2019.

CANADA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with