^

Punto Mo

COVID-19 sa Kapaskuhan

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

SIMULA na sa Martes ang ‘Ber Months” na hudyat ng simula ng mahabang paggunita o pagdiriwang ng Kapaskuhan. Maasahan kayang maririnig sa buwan pa lang ng Setyembre ang mga Christmas song ni Jose Mari Chan? Ano ang magiging itsura ng darating na Pasko sa pagpapatuloy ng pandemya ng COVID-19? Masaya o malungkot? O magkakaroon pa ba ng Pasko? Hindi nakakapagtaka kung ipagbabawal ang pagdaraos ng mga Christmas party na karaniwang pinagtitipunan nang maraming tao sa ganitong okasyon. Wala rin kayang Simbang Gabi? Papayagan pa rin kayang magbahay-bahay ang mga batang magkakaroling? 

Naging tampulan ng mga biro o memes sa social media ang ilang Christmas song ni Jose Mari Chan kaugnay ng umiiral na pandemya kahit noong unang kasagsagan nito. Nagiging maulap ang pangitain sa darating na Kapaskuhan kung magpapatuloy ang pandemya hanggang Disyembre. Maraming negosyo ang nagsara. Libong manggagawa ang nawalan ng trabaho at maraming pamilya ang nawalan ng mahal sa buhay dahil sa sakit na ito.  Inaasahang sa susunod na taon pa posibleng matuklasan at aprubahan ang mas mabisang bakuna laban sa virus na ito bagaman marami nang ineeksperimentong ganitong bakuna. Ang bakunang ito ang sinasabing remedyo para bumalik sa dating normal ang buhay natin.

Ayon sa mga researcher ng University of the Philippines, kailangang mapanatili ng Pilipinas ang mga natamo nito sa modified enhanced community quarantine  para pumatag ang pandemic curve sa pagtatapos ng susunod na buwan. Ang sinasabing “flattening the curve” ang simula lamang ng pagbabangon mula sa pandemya. Tatagal pa anila ng ilang buwan bago makontrol nang tuluyan ng Pilipinas ang pandemya. Umaasa sila na maayos na ang lahat pagdating ng Disyembre para magkaroon ng masayang Pasko ang mga Pilipino.

Ang “flattening the curve” ay isang pangkalusugang istratehiya para mapigilan ang pagkalat ng SARS-CoV2 virus sa panahon ng pandemya ngn COVID-19. Ang pinapatag na kurba rito ay ang kurba ng epidemya na isang paglalarawan sa bilang ng mga tao na nahahawan ng virus at kailangang gamutin. Sa “flattening the curve,” bumabagal ang pagkalat ng epidemya na dahilan para mabawasan ang mga taong kailangang gamutin at hindi lumalagpas sa kanilang kapasidad ang mga pagamutan. Umaasa ang “flattening the curve” sa mga teknik tulad ng social distancing, pagsusuot ng face mask at face shield at paghuhugas ng mga kamay para makontrol ang pagkalat ng naturang sakit. Ibig pang sabihin ng mga UP researcher, hindi na dapat madagdagan ang mga nagkakasakit ng COVID-19.

Sinabi ni Dr. Guido David ng UP-OCTA Research Team na maaaring matapos nang masaya ang 2020 kung patuloy na kokonti ang mga kaso ng COVID-19 kaya dapat anyang magtulungan ang publiko at ang pamahalaan  sa patuloy na mga pagsisikap habang pababa ang bilang ng mga kaso para magkaroon ng “malusog na Pasko.”

Email: [email protected]

 

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with