_pang-masa
^

Internet company, nag-aalok ng $1,000 sa sinumang hindi gagamit ng internet ng 48 oras

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - August 28, 2020 - 12:00am

ISANG satellite internet service provider sa Salt Lake City, Utah ang magbibigay ng $1,000 (katumbas ng P50,000) sa makakakumpleto ng “digital detox” o ang hindi paggamit ng internet at cell phone sa loob ng 48 oras.

Ayon sa kompanyang Satellite Internet, bubunutin nila mula sa mga magiging applicant ang sasailalim sa digital detox challenge.

Patitirahin sa isang recreational van (RV) sa gitna ng kagubatan ang mapipili. Kung matapos niya ang 48 oras nang hindi gumagamit ng internet o telepono ay mapapanalunan niya ang $1,000 at ang ginastos para sa pagrenta ng RV.

Sa huli, bibigyan din ng internet connection ang kalahok upang maibahagi niya sa social media ang kanyang karanasan.

 

CELLPHONE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with