Premium license sa responsableng mga motorista
RESPONDE - Gus Abelgas (Pang-masa) - August 26, 2020 - 12:00am

Sa susunod na taon magkakaloob ang Land Transportation Office (LTO) ng exclusive premium license cards sa sinumang driver na walang traffic violations sa loob ng limang taon.

Ang premium license cards ay tatagal sa 10 taon ang validity­ mula 2021.

Sakop dito ang sinumang professional o nonprofessional drivers’ license holder na walang nalabag na batas trapiko sa ilalim ng Republic Act No. 4136.

Sa ilalim nito magpapatupad ang LTO ng bagong point system na ang drivers ay makakakuha ng demerit points  sa bawat paglabag sa batas trapiko at makakakuha naman ng incentives  ang mga drivers  na walang huli o paglabag sa batas trapiko.

Ito ‘yung matagal na nating nabanggit sa kolum ang pagkakaroon ng point system sa mga motorista, para ‘yung mga balasubas talagang magmaneho at laging may paglabag mamomo­nitor nang husto. Kung patuloy sa paglabag dapat hindi na maisyuhan ng lisensya dahil hindi sila angkop sa kalsada.

Sa ilalim ng  point system, ang  motorista ang makakakuha ng  ‘demerit points’ depende sa bigat ng paglabag sa batas trapiko. Ibabase ito depende sa  categories tulad ng grave - five points; less grave - three points; at light -one point.

Pero nilinaw ng LTO na kung less o light violations naman ang nagawa ng motorista pero paulit-ulit na lang  babagsak na ito sa grave violations.

Ang driver’s license  ng isang pasaway na motorista ay maaaring masuspinde at makakakuha ng  10 demerit points at kapag nakakuha ng  40 points ay magreresulta ng  revocation ng lisensiya.

Habang ang palasunod naman ay magkakaroon nang pagkakataon simula sa Oktubre ng susunod na taon na mabigyan ng 10-taon validity sa lisensiya bilang insentibo.

Sa ibang bansa, ginagawa na ang ganito kaya ang mga driver talagang isinasaisip ang pag-iingat at ang hindi paglabag para di ma-demerit.

Sa ganito nasasala ang mga responsableng driver, habang nawawalis ang mga balasubas at pasaway  tuloy naiiwasan ang maraming aksidente sa lansangan.

LICENSE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with