_pang-masa
^

Punto Mo

EDITORYAL - Insulto sa mga Pilipino

Pang-masa
EDITORYAL - Insulto sa mga Pilipino

ISANG malaking insulto sa mga Pilipino na ang “Maynila ay probinsiya ng China”. Malinaw itong nakasaad sa label ng packaging ng isang locally-made beauty product na ginagawa sa Binondo. Nakakagalit na ginawang probinsiya ang Maynila ng China at ang binebentahan ng produkto ay mga Pilipino. Grabe ang ginawang ito!

Ang nasabing produkto ay ang Ashley Shine Keratin Treatment Deep Repair. Mababasa ang address sa packaging nito ang “1st Flr. 707 Sto Cristo St. San Nicolas, Manila Province, P.R. China”. Ang produkto ay pinamamahagi ng Elegant Fumes Beauty Products Inc. na ang tanggapan ay nasa Binondo. Pag-aari ito ng isang Chinese national. Ayon sa report, ginawa ang produkto noong 2018. Ibig sabihin, dalawang taon nang taglay ng produktong ito ang nakakainsultong address.

Nagalit si Manila Mayor Isko Moreno at agad ipinasara ang apat na tindahan sa Divisoria. “Hindi natin hahayaan ang mga superpower na yan na parang tayo ay pinipitik-pitik lang sa mata at binabalewala nila ang soberenya ng ating bansa,” sabi ni Moreno. Hinikayat niya ang mga taga-Maynila na ipagbigay alam sa kanya kung mayroon pang mga produkto na nagsasabing ang Maynila ay probinsiya ng China.

Sabi naman ni Rep. Jericho Nograles, isang pang-iinsulto ang address na ang Maynila ay probinsiya ng China. Hindi raw ito simpleng pagkakamali lamang. Dapat maimbestigahan ang pangyayari. Gusto ni Nograles na maparusahan ang manufacturer. Kung maaari ay ma-blacklist ito. Sumulat na umano siya sa Department of Trade and Industry (DTI) para maimbestigahan ang mga produkto at tiyakin kung ang may-ari ay legal na negosyante.

Nararapat lamang na kumilos ang DTI ukol dito. Tiyak na marami pang produkto na may katulad na address ang nasa mga tindahan sa Divisoria. Magkaroon nang malawakang pag-iinspeksiyon sa mga produkto para matiyak na wala nang nakakainsultong address sa packaging.

Nararapat naman na ma-blacklist ang may-ari ng beauty product sapagkat wala siyang paggalang sa bansa kung saan siya naghahanapbuhay. Hindi dapat patawarin ang mga ganitong negosyante na nambabastos sa soberenya ng bansa. Dapat ipatapon agad-agad ang mga ito sa China at doon na lang sila magnegosyo. Huwag dito sa Pilipinas na hayagang mang-insulto.

PILIPINO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with