Mga transparent na banyo, binuksan sa Tokyo
MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - August 20, 2020 - 12:00am

DALAWANG parke sa Tokyo ang laman ng balita ngayon dahil sa bago nilang atraksyon: ang kanilang mga pampublikong toilet na transparent o kita mula sa labas.

Ang mga banyo ay dinisenyo bilang bahagi ng Tokyo Toilet Project at mayroon silang mga see-through na pader na kusang lumalabo kapag may pumasok.

Dalawang dahilan ang ibinigay ng Tokyo Toilet Project kung bakit ginawa nilang kita mula sa labas ang loob ng toilet: una ay para raw makita kaagad ng gagamit kung malinis ang banyo at pangalawa ay upang mabilis malaman ng gustong gumamit ng banyo kung may tao sa loob.

Ang isa raw kasi sa pinakamalaking dahilan ng hindi paggamit ng mga tao ng mga pampublikong palikuran ay dahil inaasahan na kaagad ng marami na marumi ang banyong kanilang madadatnan pagpasok nila.

Hindi na raw magdadalawang isip ang mga taong gumamit ng mga pampublikong palikuran kung kita na kaagad nila ang kalinisan sa loob nito.

Bukod sa palikuran, nagsisilbi ring pailaw sa parke ang mga transparent na banyo na animo’y mga dambuhalang lampara sa liwanag na kanilang ibinibigay pagsapit ng gabi.

TOKYO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with