^

Punto Mo

EDITORYAL - Ikalaboso, kawatang barangay officials

Pang-masa
EDITORYAL - Ikalaboso, kawatang barangay officials

LIMAMPUNG barangay officials ang sususpen-dihin dahil sa pangungurakot sa social amelioration program, ayon sa Department of Interior and Local Government (DILG). Sinabi ni DILG Sec. Eduardo M. Año na nakikipag-ugnayan na siya kay Ombudsman Samuel Martires para sa pagpapataw ng suspension sa 50 corrupt barangay officials. Ang 50 opisyal na sususpendihin ay nagmula sa Metro Manila, Cagayan Valley, Calabarzon, Central Luzon, at Ilocos. Ayon pa kay Año, nasa 143 barangay officials ang sangkot sa corruption. Tuluy-tuloy umano ang pagsasampa ng kaso sa iba pa.

Mariing sinabi ni Año kamakailan na hindi ma­tatakasan ng mga tiwaling barangay officials ang kamay ng batas. Sinira umano ng mga ito ang tiwala ng gobyerno at ganundin ng mga kabarangay kaya nararapat magdusa sa bilangguan ang mga ito.

Bago pa ang pamamahagi ng unang tranche ng social amelioration program (SAP) noong Abril, nagbabala na si President Duterte sa mga barangay officials na huwag nanakawin ang perang ayuda sa mga mahihirap. Ipakukulong umano niya ang mga ito. Pero sa kabila ng babala, marami pa ring nangurakot. Halos kalahati ng SAP ay ibinubulsa ng barangay officials. Nasa P205-bilyong pondo ang nilaan sa SAP.

Isa sa mga corrupt barangay official na nakunan ng video at napanood ng Presidente ay ang kagawad sa Hagonoy, Bulacan na si Reynaldo Flores. Kalahati lang ng SAP ang binigay ni Flores sa mga kabarangay. Nagmura ang Presidente nang mapanood ang ginawa ng kagawad. Mahirap na nga raw ang mga tao ay ninanakawan pa. Matapos mapanood ang ginawa ni Flores, nag-alok ng pabuyang P30,000 ang Presidente sa sinumang makapagsusuplong sa mga corrupt barangay officials.

Nakapagtataka naman kung bakit suspension lamang ang parusa sa mga kurakot na barangay officials. Maliwanag ang sinabi ni Año at ni President Duterte na ipakukulong ang mga mangungurakot. Kung suspension lang, makakabalik ang mga ito at muling mangungurakot.

Nararapat na maging marahas ang batas sa mga opisyal na kumukurakot sa pondo. Kung hindi magi-ging marahas, wala nang pag-asang matakot pa ang mga “buwayang” opisyal.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with