EDITORYAL - Dumarami ang kaso ng dengue
EDITORYAL - Dumarami ang kaso ng dengue
(Pang-masa) - August 14, 2020 - 12:00am

AYON sa Department of Health, may naitala nang 50,169 kaso ng dengue mula Enero hanggang  Hunyo 2020. Bagama’t mababa ang bilang na ito kung ikukumpara noong nakaraang taon sa kaparehong buwan, may mga naiulat namang pagdami ng kaso sa mga probinsiya ngayong buwan na ito.

Sa Pangasinan, naiulat noong isang araw, na 13 katao ang namatay dahil sa dengue. Ayon sa Panga-sinan Provincial Health Office (PHO), biglang tumaas ang kaso ng dengue sa lalawigan. Ayon sa report, noong nakaraang Mayo, may naitalang 935 na kaso ng dengue sa nasabing lalawigan at siyam ang namatay. 

Bukod sa Pangasinan, may mga naiulat ding kaso ng dengue sa Bulacan, Pampanga at Bataan. Ang sunud-sunod na pag-ulan sa mga nabanggit na lugar at may mga binaha pa ang tinuturong dahilan ng mga lamok na may taglay na dengue.

Nakababahala ang pagdami ng mga nagkaka-dengue na nangyari pa habang nakikipaglaban ang bansa sa COVID-19. Dalawang sakit ngayon ang naghahatid ng pangamba sa mamamayan. Sa rami ng mga nagkainpeksiyon na dulot ng COVID, punumpuno na ang mga ospital. Paano kung lumobo rin ang dengue cases? Saan dadalhin ang mga pasyente?

Sa nangyayaring ito, dapat gumawa ng hakbang ang Department of Health (DOH) para mabigyan ng sapat na atensiyon ang mga may dengue. Kung mayroong nakalaan na pasilidad para sa COVID patients, dapat ganito rin ang gawin sa mga biktima ng dengue. Karaniwang mga bata ang biktima ng dengue.

Noong nakaraang taon, naitala ang 70,000 kaso ng dengue at 312 ang namatay. Sintomas ng dengue ang mataas na lagnat na tumatagal ng isang linggo, kulay kapeng ihi, paglabas ng pantal-pantal sa balat at pananakit ng katawan.

Maglinis sa kapaligiran. Takpan ang mga drum, timba at iba pang lalagyan ng tubig para hindi pa-ngitlugan ng lamok. Itapon ang mga basyo ng bote, tinapyas na gulong ng sasakyan, at iba pang posibleng breeding ground. Linisin ang mga kanal na hindi umaagos ang tubig.

Abala ngayon ang DOH sa COVID, pero tutukan din ang dengue. Magbigay ng babala sa mamamayan na ibayong mag-ingat sa dengue.

 

DENGUE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with