^

Punto Mo

Modus sa face shields ng mga kawatan, ingatan!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Simula bukas mandatory na ang pagsusuot ng face shields sa mga pampublikong sasakyan sa buong bansa, gayundin sa lahat ng mga empleyado at manggagawa sa lugar ng kanilang pinagtatrabahuan.

Bukod pa ito sa mandatory na face masks na unang nang ipinatupad.

Madaragdagan ang paraphernalia na suot sa paglabas mo ng bahay.

Kung sabagay para rin naman ito sa ating kaligtasan dahil patuloy pa ang paglaganap ng COVID.

Eto nga lang ang masaklap, pinag-iingat ng pulisya ang publiko lalo na ang mga negosyante dahil kumakana na naman ang sindikato na nagsasamantala sa sitwasyon.

Modus sa face shields ang kanilang istilo at target ang mga trader.

Kahapon dumagsa ang complainants sa Manila Police District para ireklamo ang apat kawatan na nambiktima sa kanila ng milyung halaga ng face shields.

Dalawang babaeng trader nga buhat sa Pangasinan ang natangayan ng milyung halaga ng binibiling face shields.

Buti na lamang at nadakip ang apat sa mga kawatan na wala namang binigay na paliwanag sa kanilag modus.

Noon lamang nakaraang Martes hindi nga ba’t naging dahilan ng trapik sa isang kalye sa Ortigas ang pagdagsa ng mga nabiktima ng sindikato rin sa face shields.

Doon yata ang usapang bigayan ng mga face shields na binili ng biktima, pero walang nakuha. Ang siste sila pa ang nawalan dahil sa nakabayad na pero ang pinag-usapang face shields, walang nakarating sa kanila.

Ayan na nga ba ang sinasabi natin,kahit ang pandemic, eh ginagamit na modus ng mga kawatan.

Ito ang dapat na pag-ingatan ng publiko, wag kasing basta-basta maglabas ng malaking halaga kung hindi naman kakilala ang ka-transaksyon.

Imbes na kumita, nawalan pa.

Sana ay matutukan ito ng ating kapulisan, hanggat hindi pa tapos ang pandemya makakaisip at makakaisip ng mga bagong modus ang mga kawatan, kaya ibayong pang-iingat naman ang kailangan ng publiko..

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with