^

Punto Mo

Mga Pinoy sadyang nagpapahawa sa COVID?

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

HINDI biro ang report na may mga Pinoy na sadyang nagpapahawa sa nakakamatay na COVID-19 para pagkagaling nito ay maibenta ang kanilang dugo kaya kumilos kaagad si Health Sec. Francisco Duque para masawata ito. Kahirapan kaya sa buhay ang nagtulak sa mga Pinoy na pasukin ang raket na ito sa panahon ng pandemya?

Matapos makarating sa Department of Health (DOH) ang report na ito, iniutos kaagad ni Duque sa mga management ng ospital at local government unit’s (LGUs) na imbestigahan ang kumakalat na balita na talamak na ang bentahan ng convalescent plasma ng mga pasyenteng gumaling sa COVID. At ang kanilang biktima? Ang pamilya ng mga pasyente na kritikal sa sakit sa COVID, anang report. Ang masama pa niyan, magkakutsaba diumano ang mga hospital staff o fixers sa mga pasyenteng gumaling sa COVID sa naturang raket. Araguuyyyy! Hak hak hak! Kasama rin sa report na may mga Pinoy na sadyang nagpapahawa ng COVID para pagkagaling, ang kanilang convalescent plasma ay i-donate nila subalit may kapalit na pitsa.

Sa kasalukuyan, ang Philippine Blood Center at ang Philippine Red Cross (PRC) lamang ang certified na non-hospital based facilities na maaring magkolekta ng donation ng convalescent plasma. Samantala, ang St. Lukes Hospital at Philippine General Hospital (PGH) naman ang certified hospitals na kumokolekta ng convalescent plasma upang gamiting panggamot sa COVID patients.

Ang totoo, pinag-aaralan pa lamang kung ang convalescent plasma mula sa gumaling na pasyente ng COVID ay epektibong gamot laban sa nakamamatay na virus na naka-infect na 143,000 at naging dahilan ng kamatayan ng mahigit 2,000 katao sa bansa. Ang pagbebenta ng dugo, kasama na rito ang convalescent plasma, mula sa mga pasyenteng gumaling sa COVID ay ipinagbabawal dahil ito ay delikado, di lamang sa mga tatanggap, nito kungdi gayundin sa mga nag-donate. Araguuyyyy! Hak hak hak! Dapat lang pala matuldukan ni Duque ang raket na pagbebenta ng convalescent plasma bago maging huli ang lahat.

Base sa mga pag-aaral ng medical experts, ang paggamit ng dugo mula sa illegal na pagbebenta nito ay maaring magdulot ng nakakahawa at seryosong blood borne diseases tulad ng HIV, hepatitis at malaria. «Convalescent plasma should not be for sale and should be voluntarily donated for COVID patients in need,» sabi ni Sec. Duque. Ang pagbibigay ng bayad sa mga nagdonate ng dugo ay may karampatang parusa, aniya. Araguuyyyy! Dapat may maparusahan sa raket na ito para hindi na pamarisan pa, di ba mga kosa?

Nag-apela rin si Duque sa mga kaanak ng kritikal sa sakit na COVID na tumigil sa pakikipag-ugnayan sa fixers na nag-o-operate sa loob at labas ng mga hospital, para mahinto ang raket. Ang boluntaryong pagbibigay ng dugo na walang bayad, ay isang ligtas at «selfless act» na makapagliligtas ng buhay ng kapwa Pinoy, sabi pa ni Duque. Mabuhay si Secretary Duque! Abangan!

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with