Magaling lang magsalita, mas magaling magturo…
Itong isyu ng garapalang katiwalian sa PhilHealth, epekto lang ng malawakang problema.
Isipin n’yo, tatlong Presidente ng Pilipinas ang dumaan: Presidents Gloria Arroyo, Benigno “Noynoy” Aquino at ngayong termino ni Pres. Rodrigo Duterte, sumabog big time ang bahong tinatago.
Sa tagal ng panahon, nabuo ang katiwalian sa PhilHealth at nang mahinog, nangamoy sa kasalukuyang administrasyon.
Kung tutuusin, nalagay na sa isyu ng kontrobersiya ang PhilHealth kahit noon pang mga nakaraang administrasyon. Na-media nga, wala namang nangyari, hindi natinag ‘yung mga sindikato noon sa loob.
Ang katiwaliang ito, hindi nangyari overnight o kahapon lang o noong nakaraang taon lang. Halos dalawang dekadang nabuo – sabi nga ni Sen. Risa Hontiveros kahapon sa senate hearing.
Tama ang senadora, halos dalawang dekadang umupo si Sec. Francisco Duque III sa PhilHealth.
Subalit, nakalimutan yata ni Sen. Hontiveros na siya’y kabahagi ng malignant na cancer sa PhilHealth Worst, nakinabang sya noong siya’y director ng ahensiya.
Lumabas sa mga ads ng PhilHealth – infomercial, billboards at bus advertisement noong 2015 bago siya tumakbong senador.
Alam ko na dedepensa na naman ang senadora, fake news, diversionary tactic.
Eto nga ang gigil na gigil na bungad niya sa Senate hearing nitong Martes, ang kanyang birada: “Where is Duque”. Ang galing mo Ma’am!
Siya nga pala, nasaan ka rin noong taong 2014-2015 na nag-umpisa ang mga ghost at bogus dialysis ng mga patient ng taon 2013 hanggang sa kasalukuyan? Ano nga bang nagawa mo noon, Ma’am?
Akala ko’y babanggitin niya ang pangalan ko noong Martes sa galit sa mga nagpapakalat daw ng fake news tungkol sa kanya.
Kaya ang kanyang tinitira at kinakaya-kaya, ang kanyang paboritong kaaway na si Mocha Uson.
- Latest