^

Punto Mo

80 camels, sumalakay sa tatlong bayan sa Russia!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

NASA walumpung camels ang sumalakay sa tatlong bayan sa Russia matapos paka­walan ang mga ito ng may-ari nilang may edad na.

Pinagwawasak diumano ng mga kamelyo ang mga bakod at hardin sa lugar. Hindi rin daw pinalampas  ng mga ito ang mga tubo ng tubig at gaas sa lugar pati na ang mga bunga ng mga puno.

Dahil dito, takot na raw lumabas ang mga mamamayan ng mga sinalakay na bayan, na matatagpuan sa Astrakhan region ng Russia.

Huwag daw magkakama-ling makipagtitigan sa mga kamelyo dahil siguradong hahabulin ka ng mga ito, dagdag pa ng isa sa mga residente.

Ayon sa mga opisyal, pina­kawalan ng 83-anyos na si Yuri Serebryakov ang kanyang mga alagang camel dahil hindi na raw niya kayang alagaan ang mga ito dala ng kanyang katandaan.

Tumanggi naman si Serebryakov na sagutin ang pinsalang idinulot ng kanyang mga alaga at sa halip ay iniaalok pa niyang ipagbili ang mga ito sa hala-gang 700 pounds (katumbas ng P50,000) bawat kamelyo.

Nagsampa na ng reklamo sa prosecutor ang mga mamamayang naapektuhan ng pagsalakay ng kamelyo ngunit ayon sa mga kinauukulan sa lugar, kailangan pa nilang imbestigahan kung ano talaga ang nangyari.

 

vuukle comment

RUSSIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with