EDITORYAL - DTI, kumilos kayo sa presyo ng face shields
EDITORYAL - DTI, kumilos kayo sa presyo ng face shields
(Pang-masa) - August 12, 2020 - 12:00am

MURA lang dati ang face shields. Sa online ay nabibili lang ito ng P40 hanggang P50 bawat piraso. Ang mga may kalidad, o yung matibay ang plastic, binebenta ng P500 bawat piraso. Pero big­lang sumipa ang presyo nito makaraang ihayag ng Department of Transportation (DoTr) na lahat nang pasahero ng pampublikong transportasyon ay dapat naka-face shields sa Agosto 15. Pati drayber at konduktor, dapat naka-face shields. Hindi umano papayagang makasakay ang walang face shields.

Nakagugulat na ang dating P40 na presyo ng face shields ay naging P80 na ngayon at mayroon pang P100. Tubong lugaw ang mga negosyante. Ang nakuha lang nila ng P30 o mas mababa pa ay ibinibenta ng P80 hanggang P100. Grabe na ang pagtubo. Panlalamang na ito sa kapwa.

Ganito rin ang nangyari nang biglang mauso ang pagsusuot ng face mask at paggamit ng alcohol at iba pang disinfectant noong Marso. Bigla ring tumaas ang presyo ng mga ito at ang matindi pa, maraming gahamang negosyante ang nag-hoard ng face masks at alcohol. Nang magkaubusan, inilabas nila ang itinagong masks at alcohol at binenta nang doble o triple. Siyempre, dahil kailangang-kailangan ng mamamayan, napipilitan na silang bumili kahit ubod nang mahal.

Mabentang-mabenta ang face shields. Nagkakaubusan na umano sa Divisoria at iba pang pami­lihan. Pinapakyaw para inegosyo. Nakakita muli nang pagkakataon ang mga negosyante para kumita nang limpak. Kakamal na naman sila ng pera. Hindi na naisip ng mga negosyanteng ito na marami ang naghihikahos dahil maraming nawalan ng trabaho. Inagaw na nga lang ang pambili ng face shields sa budget sa pagkain. Hindi naman sana tubuan nang todo ang face shields.

Dapat nang kumilos ang Department of Trade and Industry (DTI) sa pagtaas ng face shields. Magkaroon na ng suggested retail price (SRP) sa face shields para maiwasan ang sobra-sobrang patong sa kagamitang ito.

Hindi dapat magsamantala ang mga negosyante lalo na sa panahong ito ng pandemya na ang mga tao ay tuliro, nangangamba at hindi malaman kung ano ang mangyayari kinabukasan.

Ang maagap na pagkilos ng DTI sa panahong ito ang makakapigil sa mga ganid na negosyante para makapagsamantala sa mamamayan. Hindi dapat manaig ang ginagawa ng mga gahaman na pinahihirapan ang kapwa sa pagtataas ng presyo para lamang kumita ng limpak. Kahabag-habag naman ang walang ibibili ng face shields.

DTI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with