Pagbalanse sa kalusugan at kabuhayan

RESPONDE - Gus Abelgas (Pang-masa) - August 12, 2020 - 12:00am

Sa ilang pag-aaral, nagiging epektibo umano ang pinaiiral na 15-araw na modified enhanced community quarantine (MECQ) sa Metro Manila at apat na karatig lugar.

Nakikita na kasi ang pagbagal ng transmission rate o ang pagkalat ng COVID-19 sa Metro Manila, ayon ito sa University of the Philippines (UP) researchers. 

Meron na umanong delay dito na epekto ng paghihigpit sa community quarantine at sa susunod na 2 linggo ay inaasahang doon makikita nang husto ang pagbagsak ng mga bagong kaso. 

Sa kanilang paliwanag, bumababa ang tinatawag na reproduction number. Ibig sabihin, bumabagal na ang transmission. 

Sa kanilang pagtaya, papalo sa 190,000 ang bilang ng COVID-19 cases sa bansa sa katapusan ng Agosto. 

Kasabay naman nito, nagpahiwatig din ang isang grupo ng mga doktor na hindi na kailangang palawigin pa ang MECQ na magtatapos sa August 18.

Inaasahang muling magbibigay ng kanyang pahayag si Pangulong Digong sa magiging status ng quarantine sa mga nasa ilalim ng MECQ.

Mukhang positibo ang mga nagiging pahayag ng iba’t ibang grupo ng reasearchers at mga manggagamot, pero  eto, kamakalawa lang ay muling naitala ang record high na kaso ng COVID na umabot sa 6,958.

Pero ika nga, kailangan nang mabalanse ang kalusugan at kabuhayan.

Kailangang tumakbo na ang ekonomiya , lalu na nga’t wala nang mailalabas pang karagdagang tulong ang pamahalaan sa mga kababayan nating natitigil sa trabaho dahil sa quarantine.

Kailangan na ring tumakbo ang negosyo para hindi tuluyang masaid ang kaban.

Ito ang ating aantabayan sa mga susunod na natitirang araw ng MECQ.

Dito malalaman kung nagtagumpay ba o hindi sa muling pagpapabalik sa mas istriktong quarantine at kung paano ito ibabalanse sa naghihingalong ekonomiya.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with