Police chief ng San Manuel, Pangasinan, may death threat!
SUPALPAL - Non Alquitran (Pang-masa) - August 12, 2020 - 12:00am

MAY death threat si Maj. Benjie Zarate, police chief ng San Manuel, Pangasinan matapos niyang i-raid at mapuksa ang online sabong sa kanyang lugar noong Linggo. Mukhang mabigat at bagyo ang binangga ni Zarate ah. Araguuyyy!

Siyempre, para protektahan naman ang tauhan niya na nagtatrabaho lang, ipinadala ni PRO 1 director Brig. Gen. Rodolfo Azurin Jr., ang PZunlic Safety Company na nakabase sa Tayug, para suportahan si Zarate. Ang lahat naman ng issues at concerns ni Zarate ay inihabilin ni Azurin kina Col. Ysmael Yu, ang DRDO ng PRO 1 at Pangasinan provincial director Col. Redrico Maranan. Si San Manuel Mayor Jerico Perez kaya tumutulong din kay Zarate? Ano sa tingin n’yo mga kosa?

Ayon pa kay Azurin, balak din niyang i-relieve na si Zarate bago me mangyari pa sa kanyang masama sa San Manuel. Hak hak hak! Nasa tamang landas si Azurin dahil hindi na makapagtrabaho nang maayos si Zarate, hindi lang laban sa kriminalidad, kundi maging sa COVID kung may death threat siya.

Sinabi ng mga kosa ko na si Zarate ang nanguna sa raid sa online sabong ng Dreamworld na matatagpuan sa Sitio Casantiagoan, Bgy. West Guiset sa San Manuel noong Linggo. Bawal itong sabong sa panahon ng COVID dahil may paglabag sa health protocol ng gobyerno, di ba mga kosa? Tumpak! Inaresto sina Edmund Cayabyab, 24; Prince Charles Jimenez, 38; Ojano Ollero, 24; Vhincent Ebano, 24; Joel Folvos, 58; Kelvin Natividad, 24; Ric dela Cruz, 41; Aicon Palencia, 24, at Eduardo Lumague, 74. Ang mga inaresto ay taga-Batangas, Tarlac City, Las Piñas City, Cavite at Dagupan City.

Nakumpiska ang 50 fighting cocks, 20 patay na panabong, apat na weighing scale, at mga gamit sa online sabong na video camera, video monitor, computer keyboard, dalawang headsets, at 18 na wooden cage. Hak hak hak! Kumpleto rekado ang ebidensiya ng mga tauhan ni Azurin, no mga kosa?

Ito palang online sabong ay hindi lang sa Pinas gumagana kundi maging sa abroad. Ang ahente pala dito ay nagbabayad ng bond sa Dreamworld at presto – puwede na silang kumalap ng taya sa mga sabungero na binibigyan nila ng link sa celfone, kung saan napanood ang sabong live 24/7. Kapag hindi nagbayad ang parukyano ng ahente, doon ibawas ang utang sa bond, na kalimitan umaabot sa milyones. Dahil na raid ang sabong, siyempre napanood din ito ng parukyano nila sa Pinas at abroad at t’yak napahiya ang nasa likod nitong online sabong. Araguuyyy! Hindi pa sinasabi ni Azurin kung sino ang nagpadala ng death threat kay Zarate. Hak hak hak! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Sinabi ni Azurin na kaya nila naulinigan ang operation ng online sabong ay dahil sa isang text message. Inutusan ni Azurin ang PRO1 intelligence chief Col. Frankie Candelario para i-validate ang report at salakayin ito kapag positibo. Sinampahan na ng kasong illegal online sabong at live cockfighting ang mga inaresto sa Pangasinan provincial prosecutor’s office sa Urdaneta City. Dapat kasuhan na rin sila ng paglabag sa «Bayanihan Heal as One.» Tumpak! Abangan! 

PANGASINAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with