EDITORYAL - Nasaan na ang delikadesa?
EDITORYAL - Nasaan na ang delikadesa?
(Pang-masa) - August 11, 2020 - 12:00am

DAMING tanggapan ng gobyerno ang may nang­­­yayaring katiwalian. Mabibilang na sa daliri ang mga tanggapan na hindi nauugnay sa korapsiyon­. Sabagay, maski noon pa talagang nakakasuka na ang mga nagaganap na katiwalian at nagiging karaniwan na lang ngayon. Sa kabila naman na naaakusahan ng korapsiyon ang tanggapan, hindi naman matinag ang mga namumuno. Makapal na ang mukha at hindi umaalis sa puwesto. Wala nang delikadesa at nagpapatuloy pa sa pamumuno kahit kaliwa’t kanan ang batikos.

Sa unang mga taon ni President Duterte sa puwesto, marami nang miyembro ng kanyang Gabinete ang kanyang pinanaog. May ilan din namang nakabalik at inilipat ng ibang tanggapan. May gumawa uli ng kapalpakan at saka na niya tinuluyan. Binigyan niya uli ng tsansa pero talagang matigas ang ulo. Pinakawalan na niya nang tuluyan.

Pinakamarami siyang sinibak noong 2017 at 2018. Tinotoo niya ang sinabi na basta mayroon siyang­ nalanghap na korapsiyon sa pinamumunuang tang­gapan, sisibakin niya. Kahit daw kaunting langhap lang ng katiwalian ay tatanggalin niya.

Ilan sa mga tanggapan na sinibak niya ang pinuno dahil nakaamoy siya ng korapsiyon ay ang Bureau of Customs, Department of Justice, PCSO, National Irrigation Administration, Social Security System at marami pang iba.

Babala nga ng Presidente sa mga pinuno ng tang­­gapan, huwag nang hintayin na ipahiya pa niya. Umalis na lamang daw sa puwesto ang mga nasa­sang­kot sa katiwalian para wala nang ingay pa.

Pero noong 2019 hanggang ngayon, tila nabago ang ihip dahil marami ang nasasangkot sa katiwalian pero wala nang nangyayaring pagsibak. Wala na bang naaamoy o nalalanghap ng katiwalian ang Presidente kaya wala nang nasisibak. O baka naman may naaamoy ang Presidente pero hini­hintay niyang magkusa ang pinuno at ayaw niyang ipahiya.

Katulad nang nangyayaring corruption sa PhilHealth na ngayon ay iniimbestigahan ng Senado at Task Force ng DOJ. Dapat magbitiw ang mga opisyal na sangkot para hindi maging sagabal sa imbestigasyon.

GOVERNMENT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with