2 kuwento
DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje (Pang-masa) - August 11, 2020 - 12:00am

1. Reklamo

SA isang malayong lugar sa Pilipinas, mayroon silang batis na bumubukal ng maligamgam na tubig. Sa dulo namang bahagi ng batis ay may bumubukal na  napakalamig na tubig.

Nilalabhan ng mga residente ang kanilang damit sa batis. Sinasabon nila ang damit sa maligamgam na tubig. Kapag magbabanlaw, dadalhin naman nila ang damit sa bahaging may bumubukal na malamig na tubig.

Isang turista ang humanga sa natural na biyaya ng kalikasan sa mga mamamayan. Hindi siya nakatiis na mag-comment sa isang residente.

Ang suwerte naman ninyo. Libre na kayo sa tubig na panlaba, may hot at cold water pa kayong nagagamit.

Sa kasamaang palad, marami pa rin mga misis ang nagrereklamo!, sagot ng residente.

Ang lagay na ‘yun, hindi pa sila nakukuntento? Ano ba ang kanilang inirereklamo?, tanong ulit ng turista.

Magbibigay din lang daw si Mother Nature, sana ay sinamahan na niya ng sabon. Wish lang daw nila, may bumukal na libreng sabon sa isang bahagi ng batis.

We never appreciate what we have; but only complain of what we lack.   

2. Pagsubok

Noon ay maraming aplikanteng nakapila dahil naghahanap ang philosopher na si Socrates ng kanyang magiging disipulo. Ang mapipili niya ay kanyang sasanayin para maging philosopher na kagaya niya.

Isang klaseng pagsubok lang ang ibinibigay ng gurong si Socrates sa mga aplikante:

Pinapupunta niya isa-isa ang aplikante sa ilog. Kailangang tumitig siya sa tubig ng ilang minuto. Pagbalik niya kay Socrates, kailangang sabihin niya kung ano ang nakita niya sa tubig. Ganoon lang kasimple.

Sa 100 aplikante, kalahati lang ang nakapasa. Ano ang isinagot ng mga nakapasa?

Noong sila ay nasa ilog na at tumitig sa tubig, ang nakita nila ay mga naglalanguyang isda.

Iyon lang ang kanilang isinagot at nalaman nilang sila ay nakapasa.

Ano naman ang isinagot ng iba na hindi nakapasa?

Ang nakita nila sa tubig ay ang kanilang repleksiyon…ang sarili nilang pagmumukha.

Ayon kay Socrates, kapag sarili mo lang ang nakita mo sa tubig, ito ay indikasyon ng pagiging makasarili. At hindi niya kailangan ang mga ganoong klaseng tao.

The greatest conflicts are not between two people but between one person and himself.—Garth Brooks

 

 

 

PILIPINAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with