Right of way, gaano dapat kalaki?
DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos (Pang-masa) - August 11, 2020 - 12:00am

Dear Attorney,

May binabalak po akong bilhin na property ngunit wala pong madaraanan ang sasakyan pa­punta sa mismong lote. Maari po ba akong humiling ng right of way sa may-ari. May itinatakda po ba ang batas para sa laki o lawak ng right of way na kailangang ibigay?—Arturo

Dear Arturo,

Kung talagang napapaligiran ang lupang iyong balak bilhin at walang maaring daanan ang sasak­yan papasok at papunta sa pinakamalapit na pampublikong daanan ay pinahihintulutan ng batas na kumuha ng kapirasong lupa mula sa mga nakapaligid na property upang gawing daanan o easement of right of way.

Wala namang itinatakdang sukat ang batas para sa nasabing daan na maaring ilaan para sa mga lupang lubos na napapaligiran ng ibang properties. Ayon lang sa Article 650 ng Civil Code, kailangan ang daang gagawin ay ang pinakamaikli papunta sa pampublikong daanan upang hangga’t maari ay maliit lang ang magiging perwisyo sa mga nakapaligid na property owners na mababawasan ng lupa.

Ukol naman sa laki nito, nakasaad naman sa Article 651 na kailangang sapat ito sa kasalukuyang pangangailangan ng mga nakatira sa napapaligirang lupa kaya maari itong palakihin o paliitin depende sa pagkakataon.

Nais ko lang ipaalam na kadalasan ay hindi madali ang proseso ng pagsasaayos ng right of way kaya mainam kung isasaalang-alang mo ito bago ipagpatuloy ang binabalak na pagbili sa nabanggit na property.

RIGHT OF WAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with