Ang babae sa aparador (137)

Ronnie M. Halos (Pang-masa) - August 11, 2020 - 12:00am

‘‘OO, Ziarah, patata­warin ko si Kat,’’ sabi ni Jonas.

Tahimik lang si Ziarah. Hindi siya makapaniwala sa pasya ni Jonas. Sinaktan na ng babaing ‘yun pero pata­tawarin pa rin.

Kinuha niya ang mga pinggan na pinagkainan ni Jonas at dinala sa lababo.

Nang bumalik siya para kunin ang mangkok at bandehado, saka uli nagsalita si Jonas.

‘‘Nagsisi naman kaya sa palagay ko dapat nang patawarin,’’ sabi nito at tumi­ngin sa kisame.

‘‘Kakaawa rin naman dahil binugbog pala ng lalaking nambugbog din sa akin.’’

Tahimik lang si Ziarah. Ano ba ang masasabi niya. Pero sa totoo lang, gusto niyang sabihan si Jonas na tanga ito! Sinaktan na siya ng Kat na iyon – niloko na siya at pinabugbog pa siya pero nagawa pa ring patawarin. Tanga ka! Tanga ka! Gusto niyang sabihin kay Jonas. Pero sino ba siya ? Kasambahay lang siya nito.

‘‘Gusto ngang magkita kami. Para raw makahingi siya nang todo kapatawaran. Pinag-iisipan ko pa. Baka sakali sa mga susunod na araw.’’

Nagpupuyos ang loob ni Ziarah. Ngayon lang siya nakakita ng ganito katangang lalaki. Akala niya ay matalino pero bobo pala!

‘‘Kung magyayaya siya rito, baka hindi ako makatanggi. Siyempre gustong sariwain uli ang kahapon namin.”

“E ‘di magtatago uli ako Kuya?’’ Sabi ni Ziarah na parang inis.

‘‘Naku oo nga ano? Paano kaya ‘yun?’’

“E ‘di magtatago ako!’’

‘‘Okey lang sa’yo?’’’

‘‘E ‘yun naman talaga ang papel ko ‘di ba?’’

Napatingin sa kanya si Jonas.

(Itutuloy)

BABAE SA APARADOR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with