Doktor, humihithit ng 30 sticks ng marijuana bawat araw
MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - August 11, 2020 - 12:00am

ANG mga doctor ay madalas magpayo sa kanilang pasyente na iwasan ang mga bisyo sapagkat masama ito sa katawan. Pero sa kaso ng isang doctor sa Chatham, New Jersey, siya pa ang nagpakita nang masamang halimbawa.

Nagtanim siya ng marijuana sa loob mismo ng kanyang bahay­ at ito ang ginagamit niya. Inamin ni Dr. Edwin Struve na 30 sticks ng marijuana ang hinihithit niya bawat araw.

Ayon kay Struve, meron siyang 58 puno ng marijuana na nakatanim sa bakuran ng kanyang bahay sa Chatham. Nagsi­mula umano siyang magtanim ng marijuana mula pa noong 1968 nang magretiro siya sa Army.

Alam ni Struve na kasalanan ang kanyang ginawa pero ginawa raw niya iyon para ma-relieve ang epekto ng glaucoma at pati ang mild brain damage niya.

Pinag-aaralan ng mga opisyal na ilagay sa supervised probation sa Morris County Prosecutors Office mental health program si Struve. Ang program ay nagsasagawa ng therapy, counseling at medication sa mga may psychiatric problems.

MARIJUANA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with