^

Punto Mo

Bungkos ng dollars, natagpuan sa bagong biling bahay!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

NAKABILI ng bahay at lupa sa Salt Lake City si Josh Ferrin­, Ito ang kanyang pangarap noon pa na magkaroon ng sari­ling bahay at lupa. Tuwang-tuwa rin ang  kanyang pamilya..

Ilang araw bago ang nakatakda nilang paglipat sa bahay, binisita nila ito. Excited siya ganundin ang asawa at anak.

Ininspeksiyon nila ang bawat bahagi ng bahay.

Habang patungo sa garahe si Josh, napagtuunan niya ang isang damit na nakaipit sa pinto ng attic. Nagtataka siya kung bakit may damit na naipit.

Gumamit siya ng ladder para makaakyat sa attic.

Ganoon na lamang ang pagkamangha niya nang makita roon ang isang metal box na tila ammunition case noong World War 2.

Nang buksan niya ang metal box, nakita niya ang bungkos ng dollars.

Pero lalo pang nanggilalas si Josh nang makakita pa ng pitong metal box na nang buksan niya ay mga bungkos din ng dollars ang laman.

Tinawag niya ang asawa at ipinakita ang nadiskubreng pera.

Dinala nila ang mga metal box sa bahay ng kanyang biyenan­ at doon binilang ang mga dollar na laman. Umabot iyon sa $45,000.

Naisip ni Josh na malaki ang magagawa sa kanya ng perang iyon. Mababayaran ang kanyang mga utang, maari na niyang maipakumpuni ang kotse at puwede ring magamit sa pagpapaganda ng nabiling bahay.

Pero naisip ni Josh, hindi sa kanya ang perang iyon. Hindi niya pinagpawisan. Kung aangkinin niya ang pera, anong halimbawa ang ipakikita niya sa mga anak. Hindi rin umano siya magiging maligaya.

Isinauli niya ang pera sa dating may-ari ng bahay.

vuukle comment

DOLLARS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with