^

Punto Mo

Ang babae sa aparador (135)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

KAPUNA-PUNA ang pagiging masaya ni Jonas habang kumakain ng hapunan. Nagtataka si Ziarah.

Hindi ito ganito dati. Kanina pa ito masaya habang may kausap sa cell phone. Hindi naman niya masagap kung sino ang kausap.

Maski nang purihin ang kanyang nilutong sinigang na tadyang ng baboy ay halata ang kasiglahan.

“Ang sarap na naman ng luto mo Ziarah. Masarap ang sabaw. Perfect!’’

“Salamat Kuya.’’

“Pahingi pa nga ng sabaw. Kapag ganitong masaya ako e napapasarap ang higop ko sa sabaw.’’

Tumayo si Ziarah at nilagyan ng sabaw at ulam ang mangkok ni Jonas.

“Pahingi rin ng sawsawan na patis at kalamansi, Ziarah.’’

“Sandali Kuya.’’

Tinungo ni Ziarah ang lalagyan ng patis. Naglagay sa platito. Kumuha ng kalamansi sa ref at pinungusan. Piniga sa patis. Dinala kay Jonas.

“Hmmm sarap talaga ng mainit na sabaw. Lalo itong sasarap kapag may patis.’’

Naupo uli si Ziarah at pinagpatuloy ang pagkain.

Inoobserbahan niya ang kinikilos ni Jonas.

Masaya talaga ito. Nakakapagtaka talaga.

“May kanin pa Ziarah?’’

“Oo Kuya. Marami.’’

Tumayo uli si Ziarah at naglagay ng kanin.

“Ganado talaga ako. Kapag masaya ako, mara-ming nakakain. Palagay ko uusli ang tiyan ko dahil sa dami nang kinain, ha-ha-ha!’’

“Okey lang naman na tumaba ka pa ng konti Kuya.’’

“Talaga? Baka mukha akong butete?’

“Hindi Kuya.’’

“Alam mo kung bakit masaya ako Ziarah at naparami ang kain?’’

“Bakit Kuya? Na-promote ka siguro uli ?’’

“Hindi!’’

“Bakit Kuya?’’

“Kasi’y nakikipagbalikan sa akin si Kat. Humihingi ng tawad.’’

Gimbal si Ziarah.

(Itutuloy)

 

vuukle comment

ANG BABAE SA APARADOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with