^

Punto Mo

EDITORYAL – Kalingain ang OFWs

Pang-masa
EDITORYAL � Kalingain ang OFWs

DAMING overseas Filipino workers (OFWs) nga-yon ang hindi malaman kung saan susuling dahil sa dami ng problema. Marami nang nagsiuwian dahil apektado ng pandemia. Mayroon pang mga stranded na naghihintay ng tulong ng gobyerno.

Nakadagdag sa problema ng OFWs ang nangya-ring pagsabog sa Lebanon kung saan apat na OFWs ang namatay. Nagkadoble-doble ang kalbaryo sapagkat nasabay pa sa pagkalat ng COVID-19. Gusto nang umuwi ng iba pang Pinoy sa Lebanon subalit wala silang magawa.

Marami pa ring seafarers ang nakatakdang duma-     ting at malungkot sila sapagkat hindi nila alam kung   kailan uli makakabalik sa trabaho dahil sa pandemic. Mayroong kasasakay lang noong Marso pero pauwi na rin.

Hilong-talilong ang OFWs at walang masulingan sa gitna ng problema. Kung meron sana silang sari-ling departamento, walang problema. Pero hanggang ngayon, sa kabila na sinabi ni President Duterte sa Kongreso na lumikha ng batas para sa OFWs, hindi naman ito inaaksiyunan. Maraming pinapanukala ang mga mambabatas pero wala sa OFWs.

Noong Disyembre 2019, sinabi ni President Duterte na magtatatag na ng Department of Overseas Filipino Workers (DOFWs). Sinabi niya iyon sa harap mismo ng OFWs sa isang pagtitipon. Pero hindi natupad.

Noong Hulyo 27, sa kanyang 5th SONA, inulit ng Pre­sidente ang kanyang hiling sa Kongreso na magpasa ng batas para sa OFWs. Sabi pa niya, kung may mbatas para sa OFWs, lubos na  matututukan ang kalagayan ng migrant workers at pamilya nito lalo sa panahon ng krisis.

Maraming OFWs ang dumaranas ng pagkaapi, pang-aabuso at malagim na kamatayan sa kamay ng kanilang mga amo. Noong 2018, natagpuan ang bangkay ng domestic helper na si Joanna Demafelis sa loob ng freezer sa isang abandonadong bahay sa Kuwait. Pinatay siya ng kanyang mga among Lebanese. Noong 2019, dalawang domestic helpers pa ang pinatay sa Kuwait –sina Constancia Dayag at Jeanelyn Villa-vende. Namatay si Dayag dahil sa pambubugbog ng among babae. Si Villavende ay namatay din dahil sa pambubugbog ng amo.

Marami sa OFWs ang hindi inaasikaso ng embahada o ng Labor Attache. Kung may Department of OFWs, mayroon silang pupuntahan sakaling inabuso, minaltrato o may krisis. Sana, kumilos ang Kongreso at lumikha ng batas na magtatatag sa DOFWs.

vuukle comment

OFW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with