^

Punto Mo

EDITORYAL - Isantabi muna ang parusang kamatayan

Pang-masa
EDITORYAL - Isantabi muna ang parusang kamatayan

SINIMULAN na ng House Committee on Justice noong Martes ang pagtalakay sa batas na bumubuhay sa parusang kamatayan para sa drug traffickers at iba pang karumal-dumal na krimen. Ito ay bilang pagtalima sa kautusan ni President Duterte na ibalik ang death penalty. Ayon kay House Majority Leader Martin Romualdez, 12 batas ang kanilang tatalakayin at isa rito ang kontrobersiyal na death penalty na binanggit ng Presidente sa kanyang SONA noong Hulyo 27.

Nang mag-SONA ang Presidente, hiniling nito sa mga mambabatas na ipasa na ang death penalty para sa mga drug traffickers at iba pang karumal-dumal na krimen. Kamatayan aniya sa pamamagitan ng lethal injection ang nababagay sa drug syndicates sapagkat ang mga ito ang sumisira sa kinabukasan ng mga kabataan. Ayon sa Presidente, talamak na ang illegal na droga sa bansa na walang ipinagkaiba sa Colombia at Mexico.

Campaign promise ni Duterte ang paglutas sa drug problem sa bansa. Una niyang sinabi na sa loob ng anim na buwan ay lutas na ang problema. Pero hindi nangyari at lumubha pa kahit maraming napatay sa drug operations o “Oplan Tokhang”.

Nakapagtataka lang na kung kailan nasa gitna ng pandemia ang bansa ay saka pinamamadali ang parusang kamatayan. Bakit kung kailan marami ang naghihikahos, walang makain at nagkakasakit, saka ipaggigiitan ang pagbuhay sa death penalty. Masyado nang apektado ang buhay ng mamamayan dahil sa pandemic crisis.

Sa halip na talakayin ang parusang kamatayan, bakit hindi unahin ang solusyon kung paano makakaahon ang bansa sa pandemic crisis. Gumawa ng hakbang para mapabuti ang kalagayan ng mamamayan lalo ang mga nawalan ng trabaho.

Totoong peste ang drug traffickers. Sila ang nagwawasak sa kinabukasan ng kabataan. Pero sa kasalukuyan, ang ilalaman muna sa sikmura ng apektadong mamamayan ang unahin. Huwag muna ang parusang kamatayan ang tutukan. Mas mahalaga ang kapakanan ng mamamayan ngayong may pandemia.

vuukle comment

DEATH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with