^

Punto Mo

Ang babae sa aparador (133)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

GINALINGAN pa ni Ziarah ang pagdadrama para makumbinsi si Joshua. Dama ni Ziarah, malapit na siyang magtagumpay.

“Ulila na akong lubos, Joshua. Kapag pinalayas ako ng amo ko, wala akong pupuntahan dahil wala naman akong kamag-anak dito sa Maynila. Baka masadlak ako sa masamang gawain para lang may maipambuhay sa sarili. O baka magpalabuy-laboy ako at maging babaing grasa. Di ba nakakita ka na ng babaing grasa na parang naloloka-loka? Kasi nalipasan sila ng gutom. Ganun ang maaring mangyari sa akin kapag pinalayas ako ng amo ko kapag nakita pa niya akong nakikipag-usap sa lalaki. Kaya nakikiusap ako Joshua, huwag mo na akong kausapin. Parang awa mo na. Kung ayaw mo akong palayasin ng aking amo, huwag mo na akong kakausapin.’’

Napatangu-tango si Jo-shua.

Saka nagsalita ito.

“E kung palayasin ka Zia­rah, puwede ka namang tumira sa bahay. Malaki ang bahay namin. Kaysa lumabuy-laboy ka e di sa bahay ka na lang.’’

Hindi agad nakasagot si Ziarah. Lumulusot pa ang kumag. Mukhang kailangan pa nang matinding arte para makumbinsi.

“Huwag ka namang magbiro, Joshua. Magdamag na akong kaiiyak dahil sa problema. Ang hinihiling ko lang ay huwag mo na akong kakausapin para hindi ako malagay sa alanganin. At saka sinabi naman ng amo ko, na once na nakatapos na ako ng pag-aaral, malaya na akong makikipagsiyota. Kung gusto ko raw mag-asawa na agad pagka-graduate ay bahala raw ako. Pero huwag daw ngayon dahil nag-aaral pa at saka naaabala ang pagganap ko ng tungkulin sa bahay. Marami pa namang anak ang mga amo ko. Sunud-sunod ang anak nila na parang hagdan kaya kailangan, paglabas ko ng school, uwi kaagad ako para magluto, maglabas at mamalantsa. Huwag na huwag makikipagligawan.’’

Nakatingin sa kanya si Joshua.

“Puwede ba Joshua? ‘Yun lang naman ang hiling ko. Pagnakatapos na tayo e di saka mo ituloy ang balak mo. Pero ngayon huwag muna at baka kung saan ako pulutin. Baka maging babaing grasa ako.’’

Huminga nang malalim si Joshua.

At sinundan pa nang isang malalim na hinga.

“Ano Joshua? Puwede ba akong makiusap?’’

Tumingin si Joshua sa ‘di-kalayuan at saka bumaling sa kanya.

“Sige. Pero pagnakatapos tayo ha. Itutuloy ko ang pagporma sa’yo. Huwag ka nang tatanggi.’’

“Oo bah!’’

Biglang nag-bell. Start ng klase nila.

Napangiti nang lihim si Ziarah.

Tagumpay ang drama niya.

(Itutuloy)

vuukle comment

ANG BABAE SA APARADOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with