EDITORYAL - Halukayin, anomaly sa PhilHealth
EDITORYAL - Halukayin, anomaly sa PhilHealth
(Pang-masa) - August 6, 2020 - 12:00am

ISINIWALAT ni Thorsson Montes Keith sa Senado noong Martes ang corruption sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) at nakadidismaya ang sinabi niyang P15-bilyon ang nalulustay sa ahensiya. Si Keith ang dating anti-fraud legal officer ng PhilHealth na nagbitiw sa puwesto noong nakaraang buwan. Ayon kay Keith, ang natuklasan niyang anomalya sa ahensiya ay “krimen ng taon”.

Dinetalye niya na mayroong sindikato sa PhilHealth na nagmamaniubra para maisakatuparan ang interim reimbursement mechanism at procurement ng “overpriced” information and communication equipment. Ayon sa kanya, para mapagtakpan ang nawaldas na P15-bilyon. isinulong ng sindikato ang mandatory contributions ng overseas Filipino workers (OFWs) na una na niyang tinutulan noong nakaraang buwan.

Siya rin umano ang kumuwestiyon sa overpriced  na IT system na naging dahilan nang mainitang pagtatalo sa meeting at naging daan para siya at dalawang iba pang PhilHealth officials ay magbitiw. Kasama niyang nagbitiw si Bai Laborte, head executive assistant ni PhilHealth President and Chief Executive Officer Ricardo Morales. Ayon pa kay Keith, ang iba pang dahilan ng kanyang pagbibitiw ay ang hindi parehas na promosyon ng mga officer at atrasadong pagbibigay ng sahod at hazards pay.

Mariin namang pinabulaanan noon ni PhilHealth President/CEO Morales ang mga isiniwalat ni Keith at sinabing masama lang ang loob nito sapagkat hindi nakuha ang hinihiling na puwesto.

Mabigat ang akusasyon sa PhilHealth at nararapat itong halukayin pa nang todo at agarang imbestigahan para malaman ang katotohanan. Nakapagdudulot ito pangamba sa mga miyembro lalo pa at sinabi ng isang opisyal nito sa hearing na hanggang 2022 na lamang ang itatagal nang ahensiya. Paano ang mga miyembro na regular na kinakaltasan ng contributions? Kailangan nila ito lalo pa nga at may nananalasang pandemia. Kailangang kalkalin pa ang mga siniwalat ni Keith para maisalba ang PhilHealth at hindi tulu-yang matuyuan ng pondo ang ahensiya.

Nararapat magsagawa ng reporma si PhilHealth President and CEO Morales para hindi siya maakusahang may kinalaman sa anomalya. Magsagawa siya ng revamp mula taas hanggang baba. Linisin nang todo. Ito ay kung gusto niyang maging matatag ang PhilHealth.

PHILHEALTH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with