Nabiktima ka ba ng mga dorobo ng face masks scam?
BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo (Pang-masa) - August 6, 2020 - 12:00am

KASABAY ng pagputok ng pandemya na COVID-19 sa Pinas, sumabay din ang paglaganap ng online businesses.

Ang produktong naging prominente bago, habang naka-lockdown ang buong bansa, face masks, alcohol, face shields at gloves. Tumaas ang presyo’t nagkulang sa supply nito sa merkado.

Kaya ang mga kawatan, eto ang ginawang kasangkapan para makapanloko.

Noong Hunyo, nalambat ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng Laguna ang maglive-in partner na sina Enrico Mendoza at Blessie Mae Altoveros.

Sa kumpirmasyon ni CIDG Laguna Provincial Officer Maj. Leandro Gutierrez, ang dalawang suspek ang nasa likod ng P10-million  face masks scam.

Isa sa mga biktima ay lumapit sa BITAG-Pambansang Sumbungan. Mula pa sa Bacolod ang online seller na nagreklamo na naloko siya ng P1.3-million.

Naengganyo umano ang biktima dahil isang kilalang brand ng face mask ang ibinebenta ng dalawa. Nag-post umano ito sa Facebook at sobrang mura ang alok para sa bulk orders.

Dahil nagkakaubusan na nga ng facemask sa merkado’t mga pharmacies noong Pebrero, agarang nagpadala ng pera ang biktima.

Ang video ng mga face mask na ipinadala sa biktima ay kanya ring ipinadala sa kanyang mga kliyente na nag-advance order na.

Sa live stream airing ng Pambansang Sumbungan namin nitong Lunes, dinagsa kami ng live chat ng mga biktima rin umano ng dalawang suspek.

Mayroong taga-Leyte, taga-Dumaguete, Davao at Bacolod. Nakakalula ang halaga ng mga perang naloko. May isa, tumataginting na P5-million ang nakuha sa kanya ng dalawa.

Sa kasamaang palad ay nakapagpiyansa ang dalawang dorobo. Subalit lalabas na raw mula sa korte ang warrant of arrest ng mga suspek.

Payo ni Maj. Gutierrez, sinumang biktima nina Mendoza at Altoveros ay maaaring magsampa ng kaso sa mga CIDG ng kanilang lugar o probinsiya.

Makikipag-ugnayan ang mga regional o provincial CIDG sa Laguna upang pagsama-samahin ang mga kaso para tuluyan nang makalaboso ang dalawa.

Sa loob ng preso, doon sila may forever. Mapapanood ang buong detalye ng kasong ito sa BITAG Official YouTube Channel.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with