EDITORYAL - Makipagtulungan para pandemic malampasan
EDITORYAL - Makipagtulungan para pandemic malampasan
(Pang-masa) - August 5, 2020 - 12:00am

IBINALIK sa modified enhanced community qua­rantine (MECQ) ang Metro Manila kahapon. Bukod sa MM, isinailalim din sa MECQ ang Cavite, Laguna, Rizal at Bulacan. Ang pagbabalik sa MECQ ay dahil sa pakiusap ng medical frontliners.

Panibagong paghihigpit na naman ang ipinatutupad­ para hindi na lumaganap nang todo ang CO­VID-19. Tatagal ang MECQ hanggang Agosto 18.

Sa ilalim ng MECQ, bawal ang pagpasada ng mga pampasaherong bus, dyipni at maski ang Metro Rail Transit (MRT) at Light Rail Transit (LRT) at iba pang public utility vehicle. Pinag-aaralan kung papa­yagang bumiyahe ang mga traysikel. Fifty percent lamang ng mga pagawaan o establisimiento ang papayagang magbukas. Bawal din ang dine-in sa restaurants, barber shops, salons, gyms at internet cafes.

Ayon kay Interior and Local Government Secre­tary Eduardo Año, mag-iisyu muli ng quarantine pass ang barangay sa mga residente. Isang tao lamang ang papayagang lumabas ng bahay para bumili ng mga pangunahing pangangailangan. Magkakaroon din umano ng schedule ang pamimili para maiwasan ang pagdagsa ng tao sa palengke. Mahigpit umanong ipatutupad ang social distancing at ang pagsusuot ng face masks.

Ang paghihigpit na ito ay hindi na gaanong mahirap sa mamamayan sapagkat napagdaanan na ito sa nakalipas na apat na buwan. Sanay na ang mga tao rito. Ang kailangan lamang ay ang pagsunod ng iba pa na nananatiling pasaway kahit na mahigpit na ipinatutupad ang health protocol gaya ng physical distancing, pagsusuot ng face masks at paghuhugas lagi ng kamay. Iwasan din ang pagkumpul-kumpol.

Sana sa pagkakataong ito, sumunod ang iba pa sa ipinag-uutos para makamit na ang minimithing pagbaba ng COVID cases. Huwag na sanang abutin pa ang prediksiyon ng UP experts na aabot pa sa sangkatutak ang dami ng COVID. Makipagtulungan ang lahat at sumunod para matapos na ang problema sa pandemia.

MECQ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with