Bilang ng may COVID, bumaba kaya sa MECQ?
RESPONDE - Gus Abelgas (Pang-masa) - August 5, 2020 - 12:00am

Pangalawang araw ngayon nang ipinatutupad na modi­fied enhanced community quarantine (MECQ) sa Metro Manila at sa apat na karatig lalawigan nito.

Kahapon base sa datos na ipinalabas ng DOH, mahigit 6,000 ang naitalang mga bagong kaso ng COVID sa bansa.

Sa mga susunod na araw, aantabayanan natin kung magka­karoon ng malaking pagbabago sa datos at kung nakabawas nga ang pagpapairal ng MECQ sa pagbaba ng bilang ng mga nagkakaroon ng virus.

Hindi nga ba’t una nang inihayag ng UP expert na posibleng nasa 50 libo hanggang 70 libo ang posibleng mabawas sa bilang ng nagkaka-COVID dahil sa ipatutupad na MECQ.

Kung magkaganito, mukhang sa pagdagsa nga ng tao sa labas o lansangan ang siyang pangu­nahing dahilan sa pagtaas ng kaso ng COVID sa bansa.

Nauna nang humirit ng time-out ang mga health workers kaya hiniling nila sa pamahalaan ang pagpapatupad ng ECQ, pero  MECQ ang napagpasyahan ng pamahalaan.

Hindi na kakayanin marahil ang pagbibigay ng ayuda kung paiiralin ang total lockdown, kailangan na ring magbukas kahit bahagya ang mga negosyo dahil lubog na ang ekonomiya.

Nagsabi na nga kahapon ang Malacañang na wala nang extension ang MECQ dahil talagang hindi na kakayanin.

Ang punto dito, eh tumulong na lang ang mga mamamayan para mapigilan ang hawahan at mapigilan ang pagkalat ng virus

Sama-sama sana nating malabanan ang pandemic na ito nang tuluyan nang umusad ang buhay at  makabalik sa normal na pamumuhay.

MECQ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with