P300, kapalit samagandang kinabukasan ng PNP major at pamilya!
SUPALPAL - Non Alquitran (Pang-masa) - August 5, 2020 - 12:00am

IPINAGPALIT ni Maj. Celso Sevilla sa kapiranggot na P300 ang malaking suweldo niya at magandang kinabukasan ng kanyang pamilya. Hindi pa kuntento si Sevilla sa take home pay niya na halos P60,000? Si Sevilla, na hepe ng Sub-Station 10 ng Caloocan City police ay inaresto noong Lunes ng Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) ng Philippine National Police (PNP) sa isang entrapment operation. Inaalam ngayon ni IMEG director Brig. Gen. Ronald Lee kung ano ba talaga ang dahilan kung bakit pinatulan ni Sevilla ang piyaet-piyaet na kantidad at isinugal ang milyones na pension pagretiro n’ya. Araguuyyy!

Bakit kaya marami pang pulis ang naengganyo na mangotong kahit panahon ng COVID pandemic? Tsk tsk tsk! Sa kasagsagan ng internal cleansing ng PNP, tiyak dismissal ang kapa­rusahan ni Sevilla kaya goodbye na lang sa pangarap niya at kanyang pamilya sa kanyang retire­ment benefits. Hak hak hak! Tama ang ang matandang kasabihan na sa huli na ang pagsisisi!

Sinabi ni Lee na nagsimula ang delubyo sa buhay ni Sevilla nang mang-raid ang mga bataan niya sa mga stalls na nagbebenta ng galon-galon na gasolina sa Purok 3 Bgy. 178, Camarin, Caloocan City noong Setyembre 11, 2019. Hindi pala tunay na raid ito kundi ang tinatawag sa police parlance na Oplan Pagpakilala. Bakit? Kasi nga hindi naman kinasuhan ni Sevilla ang mga nahuli kundi hiningan lang ng P300 weekly payola. Mahaba kasi ang stalls doon kaya ibig sabihin malaki rin ang iniakyat nito weekly kay Sevilla, di ba mga kosa? Aba, mukhang nahimasmasan ang lider ng vendors na si Jomar Casila, at nagsumbong ito kay Lee at hayun.....SWAK si Sevilla. Hawak-hawak pa ni Sevilla ang P300 marked money nang masakote ng IMEG, intelligence at Regional Special Operations Group (RSOG) ng NCRPO, Criminal Investigation Division (CID) ng Intelligence Group (IG) at Special Action Force (SAF). Araguuyyy!

Ang mga itinuturo na kasapakat niya sa raket na sina Cpl. Albert Cruz at sibilyan na si Nestor Rivera ay nakaalpas subalit hinahanting na sila sa ngayon ng mga tauhan ni Lee. Nakumpiska kay Sevilla ang kanyang issued firearm na Cal. 9mm pistol, assorted celfones at P3,000 cash. 

Deny to death naman si Sevilla. Nang tanungin ni Lee, hindi raw niya alam ang pinaggagawa nina Cruz at Rivera, na umaaktong tong collector ng Sub-Station. Si Sevilla pala ay lateral entry noong 2010. Sinayang niya ang pinagdaanang hirap bago marating ang kasalukuyang ranggo.

Ayon kay Lee, kakasuhan si Sevilla ng extortion at paglabag sa graft and corruption law. ‘Yan ay maliban sa administrative case na isasabak ni NCRPO chief Maj. Gen. Debold Sinas na tiyak isusulong ang dismissal niya sa serbisyo. Ano ba ‘yan? Hak hak hak! Halos sunud-sunod na ang accomplishments ng IMEG vs tiwaling pulis subalit may natitira pa talaga, no mga kosa? Sakit na ba talaga ito o wisyo lang ng katawan nila? Hak hak hak! Magbago na kayo mga kosa bago pa tamaan ng kidlat ng IMEG. Abangan!

PNP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with