Ang babae sa aparador (131)
Ronnie M. Halos (Pang-masa) - August 5, 2020 - 12:00am

‘‘KASI parang ser­yosong-seryoso ang pag-uusap n’yo kanina nung lalaki. Kaya inakala ko e siyota mo,” sabi pa ni Jonas na nakangiti.

‘‘Naku hindi Kuya! Talaga lang nanghihiram ng libro.’’

“Sana pinahiram mo na at parang kawawa naman.’’

“Naku tamad ‘yun Kuya. Wala na ngang ginagawa e iistorbohin pa ako. Mayroon namang ibibili ng libro e hindi bumili.’’

“Ba’t mo naman alam na mayroong ibibili?’’

Hindi agad nakasagot si Ziarah pero may naisip na sagot.

“Lagi kasing nagya­yabang sa klase na ang kanyang papa raw ay seaman at ang mama ay nasa Dubai raw nagwo-work.’’

“Aba mayabang nga.’’

“Kaya nga hindi ko siya pinahiram ng libro. Baka ako naman ang mangamote sa klase kapag ginawa ko iyon.’’

“Sabagay hindi naman mangyayari sa’yo ‘yun dahil matalino ka.’’

“Salamat Kuya.’’

“Halika na sa loob, Ziarah.’’

Pumasok sila sa bahay.

‘‘Anong iluluto mo Ziarah?’’

“Ginisang monggo Kuya at pritong GG.’’

“Wow gusto ko yan.’’

“Magluluto na ako Kuya.”

“Kaya pala inagahan ko ng uwi ay dahil monggo ang ulam.’’

“Manood ka lang muna ng TV Kuya. Pero huwag kang matutulog at baka masayang lang ang pagluluto ko.’’

“Ah hindi. Paborito ko ang monggo at GG, he-he-he!’’

“Sige Kuya, magluluto na ako.’’

Habang nagluluto ay nag-iisip si Ziarah sa mga sinabi kanina ni Jonas. Nag­hihinala na siyota niya si Joshua dahil seryoso raw ang pag-uusap nila.

Sana, sinabi na lang niya ang totoo na nanliligaw si Joshua.

Sana, hindi siya nagsinungaling.

Napabuntong-hininga siya.

Pahamak kasi ang Joshua na ‘yun!

Binigyan siya ng prob­lema!

KINABUKASAN, pag­pasok ni Ziarah sa gate ng school ay natanaw na agad niya si Joshua.

Palapit ito sa kanya.

Nag-iisip siya ng paraan kung paano malulusutan ang pinangako niya kay Joshua.

(Itutuloy)

BABAE SA APARADOR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with