^

Punto Mo

EDITORYAL - Ayudahan mga apektado ng MECQ

Pang-masa
EDITORYAL - Ayudahan mga apektado ng MECQ

BALIK muli sa paghihigpit sa Metro Manila, Cavite, Laguna, Rizal at Bulacan simula nga-yong araw na ito makaraang isailalim sa modified enhanced community quarantine (MECQ).  Tatagal ang MECQ hanggang Agosto 18. Maraming establisimento ang hindi muna papayagang mag-operate. Ang mga dine-in restaurants, barber shops, salons, gyms at internet cafes ay hindi papayagang magbukas.

Hindi rin papayagang makabiyahe ang mga public utility vehicles gaya ng bus, jeepney at pati na rin ang Metro Rail Transit (MRT) at Light Rail Transit (LRT). Ayon sa DILG pawang point-to-point buses lamang ang papayagan pero dadaan ang mga ito sa mahigpit na inspeksiyon kung sumusunod sa health protocol. Ang mga traysikel ay pinag-aaralan pa kung papayagang makapasada dahil nag-iisa lang naman daw ang pasahero nito.

Ayon pa sa DILG, iisyuhan muli ng quarantine pass ang mga residente para makapamalengke, bibili ng gamot at iba pang pangunahing panga-ngailangan. Isang tao lamang sa bawat miyembro ng pamilya ang papayagang lumabas para makabili ng kailangan.

Ipatutupad umano ang dobleng paghihigpit  para huwag nang kumalat ang COVID-19. Kaila-ngang manatili sa bahay ang lahat. Hindi papayagan ang paglaboy sa lansangan sapagkat huhulihin. Magkakaroon ng police checkpoints.

Ganito rin ang pinatupad noon. Pero hindi rin mapigilang lumabas ang karamihan dahil kailangan nilang humanap ng ibibili ng pagkain. Magugutom sila kapag hindi ito ginawa. Sa ganitong kalagayan, dapat magbigay muli ng ayuda sa mga apektadong mamamayan. Kailangan silang tulungan para hindi lumabas ng bahay. Bigas, sardinas, noodles, kape, asukal at iba pa ay malaking tulong na sa mga isang kahig, isang tuka na apektado ng pandemya.

vuukle comment

MECQ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with