^

Punto Mo

Panawagan sa Presidente, ginawang sawsawan!

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

TILA hindi naging maganda ang dating sa Presidente ang ginawang pagsasapubliko ng Philippine College of Physician at ang kanilang mga kasamahan sa panawagan kamakailan.

Ito ‘yung panawagan ng mga medical frontliners na ibalik muna ang Mega Manila sa estado ng enhanced community quarantine (ECQ) kahit sa loob lamang ng dalawang linggo.

Tingin ko’y nag-iwan ito ng masamang panlasa sa dila ng Presidente. Ramdam naman ito ng lahat sa pahayag na binitiwan ng Presidente noong Linggo ng gabi sa kanilang “late night conference.”

Ang punto, puwede naman daw i-diretso sa Presidente sa pamamagitan ng liham, direktamente sa kanya ang panawagan at apela.

Bakit kailangang isapubliko agad. Sa madaling salita,  protocol, due courtesy ang ibig sabihin ng Presidente. 

Para bang ang gobyerno raw, walang ginagawa at inutil. Kumbaga ang dating sa Presidente ay “rebolusyon”.

Kung tutuusin, may punto rin naman ang mga medical frontliners na pagod na sila at kinikilala naman ni Presidente Duterte ang hirap at panganib na kanilang hinaharap laban sa covid-19.

Kaya tuloy, bago pa man sumagot ang Palasyo ay may nanguna na. Nagbida-bida na para bang sa kanya inilapit at iniadres ang panawagan.

Umangkas, sumawsaw at sumakay sa isyu. Nakahanap ng pagkakataon na puntuhing hindi epektibo ang mga ginagawa ng gobyerno – na kung tutuusin, kabilang siya roon.

Kaya ang siste, napupulitika tuloy ang hakbang na ginawang pagsasapubliko ng panawagan at apela ng medical frontliners.

Malamang ang dahilan, na parang mala-rebelde ang hakbang ng Philippine College of Physician ay sa kagustuhan at panawagan ng karamihan na magbitiw na sa posisyon si Department of Health Secretary Francisco Duque.

Marami na ang umaatungal sa medical community – pribado man o publiko, ganundin ang mga senador at mga netizen na mag-resign na. 

Problema lang talaga ng ilan sa ating mga Pilipino, hindi tinatablan.

vuukle comment

ECQ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with