2 babae mula uk, inikot ang mundo sakay ng tandem bike
MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - August 4, 2020 - 12:00am

DALAWANG babae ang nakapagtala ng bagong world record para sa pinakamabilis na pag-ikot sa buong mundo habang sakay ng tandem bicycle.

Nagawa ito ng 54-anyos na si Cat Dixon at 55-anyos na si Raz Marsden sa loob lamang ng 263 araw, mas mabilis sa dating record na 281 araw.

Sinimulan nila ang kanilang paglalakbay sa Oxford, England noong Hunyo ng nakaraang taon, bago sila matapos nitong nakaraang Marso bago ipatupad ang mga coronavirus lockdown sa United Kingdom.

Kinumpirma ang pagkilala sa kanilang nagawa bilang bahagi ng Guinness World Records Day.

Nakapaglakbay ang dalawa ng 18,263 milya (29,391 km) sa loob ng 263 araw, walong oras at pitong minuto.

Dinaanan nila ang 25 na bansa sa kanilang naging ruta.

Marami silang naranasan sa kanilang paglalakbay, kabilang na ang heatwave na nanalasa sa Europe, mga malalakas na bagyo sa Asia, at ang Australian bush fires.

BIKE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with