^

Punto Mo

Health workers, humirit ng ‘time-out’

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Eto ngayon ang mabigat, umapela na ang mga health workers ng pansamantalang ‘time-out’.

Kaya ang giit nila sa pamahalaan magpatupad muna ng dalawang linggong lockdown sa Metro Manila para na rin mapigilan ang pag-akyat ng bilang nang nagkakaroon ng COVID-19.

Hindi natin sila masisisi nang dumaing na talagang napapagod na sila .

Oo naman kung makina nga bumibigay pagsobra ang gamit, tao pa kaya.

Pero kasama rin naman ito sa sinumpaang tungkulin.

Inaalala lang kasi ng mga medical workers ang sobra na nilang pagkapagod at kapag sila ay bumagsak mas lalong malaking problema dahil paano na ang mga pasyente sa pandemic.

Ang apela ay isailalim muna sa dalawang linggong enhanced community quarantine ang Metro Manila na pinangunahan ng Philippine College of Physicians na umaasang mapapakinggan sila ng pamahalaan.

‘Time out’ lang naman ang hiling nila sa dalawang linggong lockdown para mabawasan ang bilang nang hawahan.

Makaraan kasi na magpatupad ng bahagyang kaluwagan sa status ng quarantine, kitang-kita ang biglaang pagtaas ng kaso ng COVID.

Community transmission ang sinasabing pangunahing dahilan sa mataas na bilang nang pagkahawa.

Noon lamang nakaraang Sabado umakyat sa 4,963 bagong bilang ng tinamaan ng COVID. 

Pinuna rin  ng mga doktor na may pagkukulang sa pagpapatupad ng preventive measures, at pangunahin nga umano dito ay ang pagpapatupad ng community quarantine.

Tumugon naman si Pangulong Digong sa panawagan ng medical community kaya pinaaaksiyunan niya ito sa IATF.

Nauna na ring nagpahayag ang ilang opisyal ng pamahalaan na  kung ito ang ipapatupad ay tuluyan nang bumagsak ang ekonomiya.

Magkagayunman, dapat magtagpo ang magkabilamg panig at makabuo ng konkretong desisyon na papabor o makakabuti para sa lahat.

Tulad ng  matagal nang naranasan ng marami, tiis-tiis pa, lilipas din yan.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with