^

Punto Mo

Laban vs droga, paigtingin pa! -- President Digong

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

SINAMANTALA ng mga drug syndicates ang COVID-19 para isulong ang kanilang negosyo kaya nagkandalaiti sa galit si President Digong na nangakong pupulbusin niya ang droga sa bansa. Sa kanyang 5th SONA, ginawang basehan ni Digong ang mga malalaking bulto ng shabu na nakukumpiska ng pulisya at drug operatives sa kanilang operations nitong panahon ng pandemic. At dahil sa kabigatan ng problem sa droga sa bansa, hiniling ni Digong sa Kongreso na ibalik ang death penalty laban sa drug syndicates para pigilan ang pagsira, hindi lang sa kinabukasan ng kabataan, kundi maging ng bansa.

Ibinunyag pa ni Digong na ang malalaking supply ng droga ay nanggaling mismo sa loob ng New Bilibid Prisons (NBP) sa Muntinlupa City kung saan nakakulong ang mga tinatawag na “Bilibid 19”. “Parang binababoy na tayo,” ayon kay Digong. Subalit hindi binanggit ni Digong ang isyu patungkol sa pagkamatay ng drug lords sa COVID sa loob ng NBP.

Mukhang alam ni Digong ang tunay na dahilan sa pagkamatay nina Pasig City shabu tiangge operator Amin Imam Boratong at Jaybee Niño Sebastian at pitong iba pang drugs lords ah? Araguuyyy! Hak hak hak! Maaga pa para husgahan kung ang pagkamatay nina Boratong, Sebastian at mga kasamahan sa COVID ay mababawasan na ang supply ng droga sa kalye, ‘di ba mga kosa?

Inilarawan din ni Digong kung paano nasisira ng droga ang isang pamilya. Halimbawa, aniya, kung ang isang adik na tatay na nagtatrabaho sa pantalan at kumikita ng P300 isang araw, ang P200 dito ay nakalaan sa shabu. So sa natirang P100 paano niya matustusan ang pangangailangan ng kanyang asawa, lalo na kung meron silang anim na anak. Ang mangyayari, mag-aaway na ang mag-asawa at ang mga bata ay hindi na makapag-aral. Sa ganitong sitwasyon, maagang matulak ang mga anak na babae sa prostitusyon. Nangyayari ito araw-araw sa bansa, ani Digong, subalit ayaw na niyang idetalye ito.

Sa ganitong sitwasyon, mapipilitan ang babae na magtrabaho sa Middle East kung saan ang kasambahay ay napapako o “ginagamit” dahil ang rape ay kasama na ng kultura ng ilang tribu. «Magpadala ng pera tapos ang mga anak nasa shabu na rin kasi these are the guys that the shabu people would really... you know they stick by them until it crumbles, the resistance. And then you have plenty of this all over the country,» ani Digong.

‘Yan lang ang isang dahilan kung bakit galit talaga si Digong sa droga kasi nilalaro lang ng drug syndicates ang mga Pinoy. At naipangako niya na labanan ang droga at handa si Digong na pumatay para matigil ang negosyo ng drug syndicates, Araguuyyyy! Bring it on Mr. President! Hak hak hak! Kaya sa mga kosa kong adik diyan, tabi-tabi muna kayo dahil hindi pa nag-iinit ang kampanya ni Digong vs droga. Tumpak!

Kung sabagay, hindi lang ang pamilya ang sinisira ng droga dahil kalimitan mga adik din ang nasa likod ng mga karumal-dumal na krimen sa bansa. Hak hak hak! Magiging busy na naman ang mga pulis at kritiko ni Digong nito. Abangan!

 

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with