EDITORYAL - ‘Natutulog sa pansitan’
(Pang-masa) - August 2, 2020 - 12:00am

SUNUD-SUNOD ang krimen sa Metro Manila. Dalawang government officials ang magkasunod na tinambangan ng riding-in-tandem. At sa nangyayaring ito, nag-iisip at nagtatanong ang nagugulumihanang mamamayan, natutulog ba sa pansitan ang Philippine National Police (PNP)?

Noong Huwebes ng hapon, tinambangan at napatay ang Board Secretary ng Philippine Chari­ty Sweepstakes Office (PCSO) na si Atty. Wesley Ba­rayuga sa Mandaluyong City. Pauwi na mula sa kanyang opisina si Barayuga nang pagbabarilin ng riding-in-tandem dakong 3:30 ng hapon habang nasa sasakyan. Tinamaan siya sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Tinamaan din ang kanyang driver at kasalukuyang nasa ospital. Mabilis na tumakas ang mga killer.

Noong Lunes, pinagbabaril din at napatay ng mga lalaking naka-motorsiklo si Dr. Roland Cortez, hepe ng National Center for Mental Health (NCMH) sa Bgy. Culiat, Tandang Sora Avenue, Quezon City.  Patay din ang kanyang driver na si Ernesto dela Cruz. Ayon sa witness, dalawang lalaking magkaangkas sa motorsiklo ang bumaril sa dalawa. Mabilis na tumakas ang mga salarin. 

Dalawang linggo na ang nakararaan, tinamba-ngan din si Prosecutor Jovencio Senados sa Quirino Avenue, Maynila. Isang itim na SUV ang dumikit sa sasakyan ni Senados at binaril ito sa iba’t ibang bahagi ng katawan na ikinamatay nito. Hindi naman tinamaan ang kanyang driver. Galing sa Laguna si Senados nang maganap ang pamamaslang.

Ang mga nangyaring pagpatay ay ginawa habang maliwanag ang araw at sa lugar na maraming tao. Nakapagdudulot ng pangamba ang mga nangyayaring ito. Balewala na ba ang Philippine National Police? Nangyari rin ang mga ito habang kabi-kabila ang checkpoint ng PNP dahil sa general quarantine.

Pero kung may checkpoint bakit walang naka­res­pondeng pulis sa mga nangyaring krimen. Alam kaya ng mga killer na wala namang pulis na nagpapatrulya sa kalsada kaya maluwag nilang magagawa ang balak.

Ipakita naman sana ng PNP na hindi sila inutil. Pawiin ang pangamba ng mamamayan sa mga nangyayaring sunud-sunod na krimen. Ipamalas na mayroon pa silang kakayahan at hindi natutulog sa pansitan.

PHILIPPINE NATIONAL POLICE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with