Magkapatid na 50-taong nawalay sa isa’t isa, pinagtagpo ng COVID-19
MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - August 2, 2020 - 12:00am

MABUTI ang idinulot ng COVID-19 sa isang magkapatid sa Nebraska matapos nitong pagtagpuin ang magkapatid na matagal nang nawalay sa isa’t isa.

Nagtatrabaho bilang medication aide ang 53-anyos na si Bev Boro sa isang ospital sa Fremont, Nebraska nang mapansin niya ang Doris Crippen sa listahan ng mga naka-confine na pasyente dahil sa COVID-19.

Matagal nang hinahanap ni Boro ang 73-anyos na si Crippen na sa pagkakaalam niya ay isa sa mga anak ng kanyang ama sa ibang babae. Kaya naman pagkakita pa lang sa pangalan ni Crippen, agad itong pinuntahan ni Boro sa kuwarto nito.

Bagama’t hirap na sa pandinig, kinumpirma kaagad ni Crippen na iisa nga sila ng ama ni Boro. Si Crippen ang panganay sa sampung naging anak ng ama nila samantalang si Boro naman ang pinakabunso.

Matagal na rin daw hinahanap ni Crippen si Boro, na sanggol pa lamang ay iniwan na kaagad sa bahay ampunan. COVID-19 lang pala ang magtatagpo sa kanila dahil wala na silang impormasyon sa isa’t isa bukod sa kanilang mga pangalan.

Ayon kay Crippen, siya na ang pinakamasayang tao sa mundo ngayong natagpuan na niya ang kapatid.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with