_pang-masa
^

Punto Mo

Higanteng hotdog ginawa sa New York

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG kilalang tindahan ng hotdog sa Coney Island, New York ang gumawa nang pinakamalaking hotdog sa mundo.

Ayon sa namamahala ng hotdog company na Feltman’s, ang higanteng hotdog ay ginawa mula sa 55 kilo ng karneng baka.

Matapos ipasok ang karne sa plastic casing at pausukan ay naging hotdog na ito na may limang-talampakan ang haba.

Hindi kumpleto ang hotdog kung walang tinapay na pamamalamanan nito kaya nagpagawa ang Feltman’s ng kasinghaba ng hotdog bun.

Sa laki ng tinapay, tumimbang ito ng 14 kilos.

Hindi lang naman world record ang habol ng Feltman’s dahil ginawa rin nila ang hotdog upang makatulong sa mga biktima ng 9/11.

Hinahati-hati ng Feltman’s ang hotdog at ibinenta ito sa publiko.

Ang nalikom na salapi ay mapupunta sa isang grupong nangangalaga sa mental health ng mga beteranong rumes­ponde sa terrorist attacks sa New York noong Set. 11, 2001.

 

NEW YORK
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with